KABANATA 1

1489 Words
Obsessesd with you! Chapter 1 "Jodie! Ano ba! Gumising kana! Tanghali na!.." Arrgggh.. Napatakip ako ng unan dahil sa ingay ni Tita.. Inaantok pa ako, My Goodness! "Jodie! Ano ba wala ka pang kain, baka magkasakit ka pa niyan eh! Gumising kana nga diyan!" Katok parin siya ng katok sa pinto ko. Nagdadabog na bumangon nalang ako. Tiningnan ko ang wall clock ko and it's already 12 noon tanghalian na nga. "Oo na tita,andiyan na po.." Kinuskos ko pa yung dalawang mata ko, kainis inaantok pa talaga ako eh! Anong oras ba ako naka uwi ka gabi? 2am! Antagal naman kase nag sara ng club, dami din kasing costumer,dagdag pa yung nag suntokan ka gabi. Tumayo na ako at pumunta ng banyo,nanalamin.. "Sht na eyebags to.." Ang laki! Nakakainis! Bahala na nga.Nag toothbrush na ako pagkatapos ay nag hilamos,lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ko si tita na naglalagay na ng pagkain sa lamesa habang nag dada parin.lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Good afternoon mahal kong tita.." "Ikaw talagang bata ka! Magkakasakit ka talaga sa ginagawa mo" Umupo na ako at kumuha ng bacon,habang patuloy parin si tita sa sermon niya. "Wala ka na ngang maayos na tulog di ka pa kumakain ng agahan aba Jodie baka magkasakit kana talaga niyan..!" Umupo na rin siya sa tabi ko.Itong tita Sam ko napa sweet talaga kaya mahal na mahal ko to eh! Kahit sermon ng sermon haha. "Eh kasi tita antagal nag sara ng club plus may nangyari pang suntokan dun...Pero! Ok naman ako" Lumaki ang mata niya sa sinabi ko kaya bago pa siya makapag salita eh dinugtungan ko na ang sinabi ko. "Naku! Ikaw talagang bata ka, bakit ba kase pag babarista yang pinili mong trabaho ha! Wala kang maayos natulog dahil diyan.." Oh my! Here we go again.. I just roll my eyes. Si tita talaga, habang dada siya ng dada nilalagyan niya ng sinangag na kanin at ulam ang plato ko yung pagkain na nilagay niya pang breakfast pa tinirhan niya na naman ako, alam niya kasing paborito ko ang sinangag at bacon kaya ayon tinirhan niya pa ako. "Ate! Di ka ba napapagod sa trabaho mo?" Hala! May bubwit na sumingit "Nagsasalita ka pa pala?" Natatawang sabi ko, Ang tahimik kase masyado tong kapatid ko busy sa pagkain kaya di ko na rin napansin.Napasimangot naman siya at sabay irap sa akin, Sungit! "Jodie baka naman tumigil ka muna sandali sa pag babarista mo..magpahinga ka nalang mo na.." Pinatong ko muna ang dalawang paa ko sa upuan indian sit style mas komportable kase ako while kumakain pero dito lang naman sa loob ng bahay. Uminom muna ako ng kape.. "Tita Sam, Sanay na ako sa trabaho ko..Wag na kayong mag alala sa akin, di ko rin naman pinapabayaan yung sarili ko nag e-exercise din naman ako at umiinom din ng vitamins, kaya chooks lang sa akin.." Halos kase puyat ako sa trabaho ko,pero di naman palagi dahil minsan maaga din naman nag sasara yung club kaya ok lang, atsaka pangarap ko na talaga noon pa ang pag babartender,lalo na ang maka punta sa ibang bansa, at isa pang gusto kong mangyari ay makapasok ako sa isa sa pinaka malaking cruise sa buong mundo ang Symphony Cruise ship, kahit isang gabi lang maka pag trabaho ako dun. "Ewan ko sayo, bakit ba kasi sa dinami dami ng course na gusto mo yan pa talaga ang pag babarista, nung nabubuhay pa yung mama mo eh flight attendant ang gusto nun para sayo, eh ayaw mo naman.." "Oo nga ate!" Singit naman ng kapatid kong si kenneth, Tiningnan ko si Tita Sam. "Eh sa pangarap ko ang pag babartender tita eh, at konti nalang makakapunta ako sa ibang bansa,atsaka malaki din naman yung sahod ko,tama lang sa ating tatlo, lalo na sayo bubwit.." Baling ko kay kenneth sabay himas ko sa buhok niya katabi ko lang kasi siya, nasa fourth year high school na si kenneth at 15 years old na rin siya pero bubwit parin ang tawag sa kanya dahil nag iisang bunsong kapatid ko siya bini baby ko pa nga ito eh, pero nagagalit.. Syempre ako nag papa aral nito at si tita sam naman hindi ko na pina pa trabaho dahil minsan sumasakit yung rayuma niya. Kaya nag susumikap akong mag trabaho para sa kanilang dalawa, malaki laki din naman yung sahod ko sa pag babarista kaya medyo nakaka ipon ipon din ako. "Kaya ikaw baby kenneth ko mag aral ka nang mabuti ha hanggang sa maka tapos ka ng pag aaral para maabot mo yung mga pangarap ko, diba gusto mo maging engineer pag laki mo? Ang cute cute talaga ng baby ko.." Sabay pisil pisil ko sa pisngi niya,agad niya namang iniwas yung mukha niya. "Ate naman eh! Sinabi ng di na ako baby,at lalong di na ako bubwit no..Kainis naman eh!" Mas lalo ko pang pinisil ang pisngi niya kaya napa aray na siya ng tuluyan, natawa nalang ako dahil hindi na talaga siya yung baby ko dati. "Naku tigilan niyo na nga yan baka mag away na naman kayo,kumain na tayo, ikaw kenneth bilisan mo diyan at baka ma late ka pa sa school mo.." Inirapan lang ako ni kenneth at dinilaan, dinilaan ko rin siya at tinawanan,Big boy na talaga tong kapatid ko,may girlfriend na nga ata to eh. Lagot talaga sa akin to pag ganun hmmp. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng may kumatok,tatayo na sana ako pero inunahan na ako ni Tita. "Ako na, kumain ka nalang jan.." Tumango naman ako sa kanya,bumalik na si Tita at pumasok yung bisita namin.. "Oh Alicia .." "Hi bes!" Ang bestfreind kong lukaret si Alicia na kababata ko rin,lumapit siya sa akin at bineso ako at pumunta agad siya sa katapat kong silya at umupo roon. "Kumain ka muna alicia.." Ani ni Tita sam sa kanya, at agad naman itong nag sandok ng kanin.. "Thank you po tita.." Maarting sabi nito,ganyan talaga si Alicia maarte talaga sa pagsasalita,sa kilos lalo na sa kasuotan niya. Pero mahal ko parin kahit ganyan siya. "Bes, Gusto mo ng raket? May naghahanap ng singer para sa kasal bes, ano go na?!" Excited niya pang sabi habang ngumunguya, ok aside sa barista ako rumaraket din ako sa pag kanta, syempre maganda boses ko eh hahaha,pero oo nga marami naman ang nagsasabi, kaya why not diba? "Talaga bes?kailan yan? Go ako.." Syempre pera na yan eh! Kaya go na! Syempre si Tita Sam supportive din yan pag kumakanta ako kaya pag may raket ako sa pagkanta di na pumipigil si Tita. "Next week bes,binigay ko na rin no. Mo kaya tatawagan ka nalang nila.." Tumango naman ako, nagpatuloy na kami sa pagkain habang nag kekwentuhan parin. _______________ "Beeesss! Grabe talaga ang gwapo ng costumer ko ka gabi!! Eeeeeeh" Kinikilig na sabi ni alicia habang sinusuklay niya ang buhok niya,andito na kami ngayon sa kwarto ko,naka ligo narin ako, ilang oras nalang ay papasok na ako 'Indak Club' kung saan ako nag tatrabaho 8pm dapat andun na ako,pero maag pa naman 6:30 pm palang. "Naku ikaw talaga wala ka namang costumer na hindi gwapo para sayo eh" Natatawang sabi ko si alicia ay isang call girl oo tama kayo ang bestfriend ko ay bayarang babae, pero ang mga costumer niya mayayaman lahat ma pera, rehistradong call girl si Alicia kaya hindi lantaran ang trabaho niya. Sa simula di ko matanggap ang pinasok niyang trabaho pero wala na akong magagawa yun talaga ang nasimulan niya. Kaya kahit ganyan siya ay mahal na mahal ko pa rin yan. Napanguso naman siya sa akin kaya natawa ako. "Eh seryoso bes gwapo talaga siya, iba sa lahat! Sobrang yummy! " "Naku, tumigil ka na nga bes.." Sabi ko pa sa kanya habang nagbibihis,nag black jeans lang ako white loose longsleeve at pinarisan ko ng denim jacket,nag boots rin ako ng maikli at nilugay ko lang yung mahaba at medyo kulot kong buhok, Nag apply na rin ako ng simpleng make na palagi kong ginagawa. "Palibhasa tong bestfriend ko Virgin na virgin pa..mag boyfriend kana kasi.." Lumapit naman siya sa akin at inakbayan ako. Oo tama siya Berhin pa talaga ako no,may pangako ako sa sarili na kung ibibigay ko ang sarili ko ay sa araw ng kasal ko at sa lalaking mahal ko. And that's a Promise A promise to myself! "Puro ka kalokohan Alicia, ayaw ko pa nga, nag iipon pa ako no, at may binubuhay pa ako.." Sabi ko pa sabay sundot sa gilid niya at napa atras naman siya. "Hoy Miss Jodie De Vera! 24 years old ka na no! Mag boyfriend ka na, mag explore ka naman..puro ka nalang trabaho.." Natatawa niyang sabi "Wag kang atat bes! Darating din tayo jan..pero sa ngayon sila Tita Sam muna at kenneth..." Napataas naman siya ng dalawang kamay niya, tanda na sumusuko na siya, natawa nalang ako. SOON makikila ko din naman yung taong mahahalin ko... ______________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD