Third Person POV Naalimpungatan si Cloud ng maramdaman niya na wala na sa tabi niya ang dalaga, agad na nagmulat siya ng mata, at hinimas ulit ang kama at malamig na ito palatandaan na kanina pa umalis ang dalaga. Napabalikwas siya ng bangon, kumabog bigla ang dibdib niya, sa isip niya ay iniwan na siya nito. Agad siyang nagsuot ng boxer at dali daling lumabas ng kwarto niya, naka hinga siya ng maluwag ng makita ang dalaga na nakatayo sa malaking glass window at nakatanaw sa labas. Unti unti siyang lumapit dito at ramdam niya rin na alam na nito na nasa likod lang siya. Niyapos niya ng yakap ang dalaga, at inamoy ang mabangong buhok nito na kakagaling lang sa pag ligo, naka bathrobe lang din ito. Tinanaw nila ang labas at kitang kita nila ang pag taas ng araw. "Gising kana pala.."

