Pagkagising ko ay gising na ang haring araw. Naghilamos lang ako at ni di ko man lang inayos ang aking buhok at kahit ang aking suot. Wala naman akong planong magpaganda pa sa kaniya at wala pa kong pake kung gaano ako kapanget sa harapan nya. "Goodmorning" isang malapad na ngiti at mainit na init na six pack abs ang sumalubong sa akin. Andon si Raden, hubad baro habang nagluluto. Di ko pa alam na required na pala maghubad pag nagluluto. Di ako naggreet back. Nagpunta lang ako sa ref para sana humanap ng tubig. "Nagugutom ka na ba? Matatapos na to wait ka lang" ani na naman nito. Di ako umimik bago umupo lang ako at inantay sya. Umiinom ako ng tubig habang pinagmamasdan ang pagflex ng muscle nito. Di ko namalayan na naubos ko na ang basong tubig na iniinom ko. "Enjoying the

