We had a wonderful breakfast. Mukhang hindi rin naman badmood si Raden dahil sa ginawa kong pampagising kanina. It work! "How do I look Raden?" Tanong ko habang umiikot para ipakita sa kaniya ang aking suot. Isang komportableng sunny dress ang sinuot ko at pinaresan ko ng magandang laced sandals. Sinigurado ko na maganda ako sa date namin kaya confident ako na ipakita ang itsura ko kay Raden pero tulad lang ng dati, nilampasan lang ako ni Raden na parang wala lang. Haist. Buti na lang mahal ko siya. "Wala ba tayong dadalhin na pagkain?" Tanong ni Mama Helena. Kasama namin siya mamasiyal pero sabi niya ay lalayo siya sa amin at hindi naman daw niya kami guguluhin. Gusto lang niya ma-make sure na magda-date talaga kami. Baka daw kasi ako takasan ng anak niya eh. "Huwag na. M

