CHAPTER 66: Memories “If you don’t remember the cause of your distressing situation, maybe Kien could help us.” Hindi ko mapigilan na magulat dahil sa kinahantungan ng usapan namin. Kanina lang ay patungkol sa batas ng lugar na ito ang paksa namin. Hindi ko na kasi dapat na ibinalik pa sa kondisyon ko. Ayos na sana. Ngayon naman kasi, binabalak niyang ipatawag si Kien. Ibig sabihin lang nito ay mas marami ang makakaalam ng nangyari sa akin. Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Hindi ako sigurado kung kaya ko pang galingan ang pag-arte ko sa harap ng mas maraming manonood. Magsisilbi silang mga guro sa isang paaralan na magtatapon ng tanong hanggang sa wala ka ng maisagot—gano’n ang naiisip kong kalalabasan nito. “Do you know Saliquia?” I caught her attention. Her eyes sparkled. “Can yo

