Justin’s POV NANG MAIHIGA ko ang tulog na si Res ay agad kong isinara ang pintuan nang makasunod agad si JM sa akin dito sa loob ng silid. Hindi pa rin ito tumitigil sa pagdadaldal at para na akong mabibingi. Wala na rin akong maintindihan sa dami at bilis ng mga sinasabi nito. “JM, please! Can you shut your mouth for a while?” “Eh, natatakot kasi ako, Kuya eh! Paano kung—” “Kapag hindi ka tumigil ay puputulin ko iyang dila mo!” naiiritang sabi ko. “Are you serious?” “Dead serious!” pigil ang pagsigaw na sagot ko. Nakahalukipkip na umupo si JM sa gilid ng kama ni Res. Nanunulis pa ang nguso nito at may pabulong- bulong pa. Damn it! Ano ba ang nangyari kay Ereneya at Alvadon? Ang paalam ni Ereneya sa akin ay sandali lang sila at babalik kaagad. Ngunit gumabi na ay wala pa ri

