Nang matapos sila sa pagdalaw sa mommy at kapatid ni Luhan ay nagtataka si Mafial dahil bumalik na naman ito sa pagiging masungit. Hindi na naman kasi ito nagsasalita habang nasa byahe sila. Kanina lang ay nagkukwento ito tapos ngayon na umalis na sila doon ay nagagalit na naman ito kapag nagtatanong siya. Ewan ba niya. Parang naiwan 'yong Luhan na mabait do'n sa memorial park at kasama na naman niya ang masungit na si Luhan. O baka naman sinaniban ng mabait na espiritu ang binata kanina kaya mabait. "Sir, saan po tayo pupunta ngayon?" Hindi na niya mapigilan ang magtanong lalo na't hapon na ng umalis sila sa memorial park at maggagabi na. "Ano ba ang huling schedule ko for today?" "Ahm, 'yong birthday po ni Mr. Richard." "Then nasagot mo na ang tanong mo." Napanganga na lang siya sa

