Chapter 4

1111 Words
"Nay, naiintindihan ko po ang inyong takot. Naiintindihan ko po ang inyong pag-aalala, pero tingnan ninyo po ang ating kalagayan ngayon. Araw-araw tayong naghihirap, araw-araw tayong nag-iisip kung saan kukuha ng pambili ng pagkain at gamot. Kahit anong sipag at pagod ang ibigay ko sa pagdadaing ng isda, hindi pa rin sapat upang matugunan ang lahat ng ating pangangailangan." sabi ko sa kanya. Tumulo ang luha ng aking inay, kaya pati ako nahawa. Mababaw din kase ang aking luha. "Paano po natin mapapag-aral sina Kaling at Karl? Paano po sila makakakuha ng magandang kinabukasan kung mananatili lamang tayo rito kung saan tila walang pag-asang umunlad? Paano ko po maibibigay ang inyong mga pangangailangan lalo na’t madalas kayong magkasakit at nangangailangan ng gamot na mahal ang halaga? Kung mananatili ako rito, ganoon pa rin ang ating buhay habambuhay—naghihintay, naghihirap, at walang kasiguraduhan. "Pero anak… ikaw na lamang ang natitira kong lakas. Ikaw ang sandalan ko, ikaw ang inaasahan ko. Paano kung may mangyaring masama sa iyo? Paano kung masaktan ka o mapahamak habang wala ako sa tabi mo? Hindi ko ito makakayanang isipin. Kung may mangyari man sa iyo, hindi ko na alam ang gagawin ko. Para mo na ring kinuha ang buhay ko kapag nawala ka o napahamak ka. Mas gugustuhin ko pang maghirap habang-buhay, basta’t kasama at ligtas ka." "Nay, pangako po sa inyo at sa Diyos, mag-iingat ako. Hindi ko po sasayangin ang pagkakataong ibibigay ninyo sa akin. Ang tanging hangad ko lamang ay maiahon kayo sa hirap. Kung hindi ko susubukan ito ngayon, kailan pa po? Habang may lakas pa ako, habang may pagkakataon pa, gagawin ko ang lahat para magkaroon tayo ng magandang bukas. Hindi po ako magpapadala sa tukso, hindi po ako magpapaligaw ng landas. Dadalhin ko po ang inyong mga paalala at ang inyong pagmamahal saanman ako magpunta. At kapag nakaahon na ako, babalik ako at kukunin ko na rin kayo upang magkasama-sama tayong muli. Kung hindi ko po ito susubukan, habambuhay kong pagsisisihan na hindi ko nagawa ang lahat para sa inyo." sabi ko na lamang. May pagka Vilma Santos ang nanay ko sa pagka senti kaya alam kong madamdamin talaga siya. Tahimik lamang ang aking ina matapos kong magsalita. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig, ngunit nakikita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan, ang takot, ngunit unti-unti ring lumilitaw ang pag-unawa. Alam kong mahirap para sa kanya na tanggapin ang aking desisyon, ngunit alam ko ring unti-unti niyang nakikita ang katotohanang iyon na lamang ang natitirang pag-asa natin. Sa gabing iyon, walang kasunduang naabot, ngunit alam kong nagsimula na ring magbago ang ihip ng hangin. Makalipas ang ilang buwan. Mas lalong naging tahimik ang paligid, at mas lalong nararamdaman ang bigat ng buhay. Mula noong gabing iyon, hindi ko na itinigil ang pagpapaliwanag at pagkukumbinsi sa aking ina. Tuwing magkakaroon kami ng pagkakataon, sinasabi ko sa kanya ang aking mga plano, ang mga taong makakatulong sa akin doon, at ang aking mga pangarap para sa ating pamilya. Ipinangako ko nang paulit-ulit na magiging mabuti ako at mag-iingat sa lahat ng oras. Ngunit nanatili siyang matigas ang kanyang desisyon, hanggang sa dumating ang panahon na lalong humina ang kanyang kalusugan. Nakahiga ang aking ina sa aming banig, mukhang mas nanghihina, mas maputla, at halos hindi na makakilos nang maayos. Araw-araw na siyang inaatake ng kanyang karamdaman, at sinabi ng lokal na manggagamot na kailangan na nito ng regular na gamot, masustansyang pagkain, at maayos na pagpapahinga upang hindi lumala ang kanyang kalagayan. Araw-araw ko siyang inaalagaan, inihahanda ang kanyang makakain, at binibigyan ng lunas, ngunit alam kong hindi ito sapat. "Nay, sinabi po ni Mang Kardo na kung hindi po kayo mabibigyan ng tamang gamot at pagkain, lalong lalala ang inyong sakit. At kung magkagayon, baka mahirapan na po kayong gumaling. Alam ninyo po kung magkano ang halaga ng mga gamot na kailangan ninyo. Ang kinikita ko sa pagtatrabaho ay sapat lamang para sa kaunting bigas at asin, minsan ay kulang pa. Paano ko po ito matutugunan? Paano po kayo mapapagaling? Sabi ko sa kanya. Hindi na ito kumibo. Doon ko na ipinasok ulit ang usapan tungkol sa pagluwas ng Maynila. Medyo malaki naman na ang kapatid kong sunod sa akin, kaya alam kong kaya nitong alagaan ang ina, at ibibilin ko rin naman ito sa kamag-anak ng itay, bagama't kapwa isang tuka sila. Alam ko naman na sisilipin niya ang aking ina. Pansamantala ay nangutang ako sa aming kapitran, pamasahe at panggastos pa sa Maynila, at bago ako umalis ay ibinili ko muna ng gamot ang Inay na pang-isang buwan at nangutang ng bigay sa tindahan. Isang linggo mula ng araw na iyon ay nagpaalam ako sa Inay at mga kapatid na luluwas na ako ng Maynila sa makalawa. Naglakbay ako mag-isa, walang kasama, at umaasa lamang sa sariling kakayahan at lakas ng loob. Hawak ko ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang address ng dating pinag-asukan ng aking yumaong ama. Dating nagmamaneho ng taxi ang tatay niya noong nabubuhay pa. Nang mamatay ito dahil sa isang engkuwentro sa away trapiko, ang may-ari ng mga unit ng taxi na pinapasukan nito ay nag-iwan sa kanila ng address at sinabing kung sakaling kailanganin ng tulong ay puntahan siya. Iyon ang kinapitan ng pag-asa ni Eviona. Hindi naman siya binigo ng dating amo ng kanyang ama, kaya lamang pagiging driver lang din ng taxi ang na-offer na trabaho sa kanya. Tinanggap na iyon ni Eviona. Tinulungan siya ng mayari na makakuha agad ng lisensya. At mula noon, kahit papaano, nakakatulong na si Eviona sa pamilya sa Masbate. Ang unang taon ko sa Maynila ay naging mahirap, ngunit tinatagan ko ang sarili upang makaraos.Sa ikalawang taon ay nagkaroon ako ng pagkakataong makakuha ng extrang pagkakakitaan dahil sa gabi ako nailagay na shift sa paglabas ng taxi. Mas pinili ko na iyon kaysa ang matanggal sa trabaho dahil nagko-cost-cutting na daw ang may-ari at baka pa mamagkasakit ng unit dahil sa mga nauusong online booking ng mga sasakyan. Doon ko namura nang sangkatutak ang mga talama kina driver na gumagamit ng bating-tingnan sa kayutang mga kups na driver na tinitiba ang pasahero sa taas ng presyo kapag kontrata ang usapan. Pastas ako lumaban, kaso patas din ang kita at kung minsan maliit pa. Sa isang canteen ako napasok sa umaga. Part-time lang ako doon; ang pasok ay tuwing alas diyes lang dahil iyon ang sandaling busy ang canteen at kailangan ng dagdag tauhan. Tumagal din ako ng isang taon bago ako napadpad sa tindahan ng mga kung anikanik na pag-aari ng isang matrona. At doon nagbago ang pananaw ko pati na rin ang ugali. Doon ko nakilala si Mark. Tumagal naman ang relayun namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD