[SHUNREI BIBLE'S P.O.V.] Seeing her walking in the aisle, wearing that white long beautiful gown. Here I am, waiting for her to come. Waiting her for so long... and now, finally.... we are getting married... "Aray!" biglang may bumatok sa akin. Puta sino ba ‘yon?! Tumingin ako sa likod at biglang tumabi sa akin si Saint. Siya pala ang bigla na lang bumatok sa akin. Ano kayang trip ng gago na ‘to? "Gago, ang sakit,” reklamo ko sa kanya habang hinihimas ang ulo ko. Bakit kasi bigla na lang mambabatok ang tangang ‘to! "Ano na namang in-iimagine mo r’yan?" tanong niya sa akin. "Hindi na ako makapag-hintay na pakasalan si Spencer, e. Iniisip ko na agad kung ano ang mangyayari sa kasal naming dalawa.” "Tss. Kahapon ka lang sinagot tapos gusto mo agad kasalan na? Hibang ka na yata. T

