[Spencer Peony's P.O.V.] Naikwento na samin nina Raven at Kuya Kyde ang nakita nilang mga lalaking na may kulay dark brown na mga mata. Ang lahat ay seryosong nakikinig sa kanila. Hindi ito basta-bastang bagay lamang na kailangan naming baliwalain. Malaki ang posibilidad na baka isa na 'yong senyales sa amin na mga kalaban namin sila. Hindi rin naman coincidence ang nangyari na may parehas na kulay ang mga mata na sabay nagmasid sa magkapatid. Kailangan na naming maging alerto lahat. May posibilidad na baka nagbabalik na ang aming mga kalaban at nagsisimula na silang magparamdam sa amin ngayon. "Do you think they're back?" seryosong tanong ni Kuya sa kanila. Ang paningin niya ay nakatuon lamang kay Kuya Kyde. Lahat kami ay naghihintay ng kanilang sagot. Bigla akong nakaramdam ng kaba n

