[KYDE FRANCIS' P.O.V.] "What happened to her?" tanong ko kay Aster nang makarating ako sa bar nila. Nadatnan ko si Raven na tulog sa VIP room. Mukhang lasing na lasing. Ano kaya ang mayroon at naglasint ang kapatid ko? "I tried to stop her for drink even more but still, ayaw niya na magpa-awat sa akin. So I just watched her. Hinayaan ko na lang siya. She won’t even tell me what’s her problem,” paliwanag niya sa akin. "I think she has a big problem right now. Hindi naman ‘yan maglalasing ng ganiyan kung wala. Tapos mag-isa pa siya na nag-inom kahit na gusto naming samahan kanina,” sabat ni Dale na kakapasok lang. Sarado na ngayon ang bar nila. "I think so. Ngayon na lang ulit siya nalasing ng ganito,” sagot ko naman. I wonder what's her problem is. Wala rin naman nang sinasabi sa ak

