SPECIAL CHAPTER 1: RAVEN ALEXA AND BRASEN’S LOVE STORY “Brasen, I have a question for you.” Mabilis naman na lumapit sa akin si Brasen nang sabihin ko ‘yon. Narito kami sa loob ng opisina ko. Abala siya sa ginagawa niya at nakatutok lang ako sa laptop ko kanina pa. Kaya naman naisipan ko na lang na kausapin siya. Kahit na sobrang abala niya ay palagi pa rin niya akong binibigyan ng oras. “Yeah? What is it?” tanong niya sa akin. Umupo siya sa harapan ng lamesa ko saka tumingin lang sa akin. Hinihintay niya ang tanong ko sa kaniya. Napatitig naman ako sa inosenteng itsura niya. Hindi ko akalain na mahuhumaling ako sa lalaki na ‘to. Ilang taon ko na siyang minamahal. Hindi ko alam kung may ideya ba siya o ramdam ba niya ang pagmamahal ko kahit hindi ko sabihin, o hindi niya nararamdaman.

