Margarette's PoV: "Hi." bati ng kung sino matapos kung makalabas ng aking classroom. Dismissal time na at mabuti na lang at maaga nag palabas ang last subject namin. "Oh ikaw pala yan Stacey." nakangiti kong balik bati sa kanya. I noticed how her smile fades away ngunit bumalik din naman agad. 'Hindi man lang sweetheart o kaya Desire ang tinawag sa akin hmp.' bulong nya na narinig ko naman. Napailing ako dahil doon at lihim na napangiti. Ayokong sabihin na kinikilig ako pero parang ganon na nga hahahaha. "Tara alis na tayo." masigla nitong saad sa akin at hinawakan pa talaga ang aking kamay. Hindi maiwasang kumabog ng aking dibdib. Mygoodness. Kalma heart. Si Stacey lang to ha. Wag kang kabahan sa kanya. Balik ka na uli sa normal mong heartbeat. "Uhm guys una na kami ah." paalam ko

