Margarette's PoV: "Sino si Kyla ha?!" madiing saad ni Desire. I gulped. Parang umurong yung dila ko at hindi makasagot sa kanyang tanong. Nakikita ko ngayon sa aking peripheral vision na hawak hawak nya ang calling card nung babae sa Motel. Jusko po. Ramdam na ramdam ko rin ang matatalim nyang titig na ipinupukol sa akin. Kinakabahan na ako ngayon sa totoo lang. f**k. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Kung ipagpapatuloy ko ba ang pag dadrive o ihihinto muna sa gilid at magpapaliwanag sa kanya. Damn. Kung titignan ang sitwasyon naming dalawa, parang nahuli ako ng jowa ko na nangangabit. Hindi ko alam kung bakit hahaha... Request back-up. "Ano? Sumagot ka!" rinig ko na namang sigaw ni Desire. I decided na ipagpatuloy na lang ang pag dadrive at magkunwaring hindi sya naririn

