Napabuntong hininga ako dahil nabobore naako kakahintay ng matapos itong maligo. Si Akiel naman ay naglalaro saaking cellphone habang hinihintay namin ang kanyang ama na matapos maligo. Napa-iwas naman ako ng tingin ng lumabas itong tuwalya lang ang nakapulupot sa kanyang baywang. Napangisi ito ng pasadahan ko muna ng tingin ang kanyang katawan bago ako nag-iwas. Sa gilid ng aking mata tinitignan ko ang kanyang ginagawa. Kumuha ito ng damit at sinuot iyon. Tinanggal naman niya ang tuwalya at nakahinga naman ako ng maluwag ng may suot pala itong boxer. Sinuot niya na rin ang khaki short niya. Huminto na pala sa paglalaro si Akiel at tinignan ang ama sa pagbibihis nito. "Let's stay in your hotel suite for a while daddy." Tumango naman na ito at umupo katabi ang anak. "What are you playi

