Are you okay bab." Tanong ko ng maitayo na si Akiel nakaginhawa naman ako ng maluwag ng hindi naman ito umiiyak. "Yes mommy. Thank you and I'm sorry mister."Sabi niya sa lalaki na nabangga niya. Nag-angat din ako ng tingin dahil hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin ako at inaalis ang mga buhangin na dumikit sa katawan ni Akiel. Bigla akong hindi nakakilos ng magtama ang aming mga mata. Hindi lang ako nabigla ng makita namin ang isat-isa. Napalunok ito at doon naako nakabawi. Kahit kakagaling ko lang sa tubig namuo na kaagad ang butil ng pawis saaking noo. Tumayo ako at hinawakan ang kamay ng aking anak. "Thank you. Say bye to mister baby." Kinawayan ni Akiel si Aziel ng hinila ko ito para mailayo sa kanyang ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa normal na heart beat ang ak

