Mahirap ang mag-alaga ng bata lalo na kapag ikaw lang mag-isa. Hindi talaga ako mag-isa lang literally dahil tumutulong naman si Monica sa akin ngunit mahirap pa rin talaga. Lalo na at hindi na rin masyadong nakaka-uwi si Monica dahil busy na sa pagiging modelo. Nitong nakaraang buwan ng pinanganak ko si Akiel ay mas dumami ang offer kay Monica at mas nagiging kilala na ito. She call Akiel her lucky charm dahil ng ipangganak ang aking anak ay mas maraming offer na sa kanya. Iyon nga lang ay madalang na itong makauwi at nakalipat na rin kami sa mas malaking apartment. Same building pa rin pero mas malaki na ang space at may kinuha rin itong kasambahay na magiging kasama ko sa bahay dahil ilang buwan na lang ay maghahanap naako ng trabaho. Ayaw naman ako ni Monica na pagtrabahoin dahil s

