Ayaw ko pa sanang manatili ngunit nakiusap si mommy na manatili ako at makipagkuwentuhan pa sa kanila. Hindi naman talaga ako nakipag-usap sa mga ito dahil wala naman akong sasabihin. "Mommy pasensya na po talaga masama po kasi ang pakiramdam ko." Sabi ko. "Uminom ka ng gamot at magpahinga" tumango ako at naglakad na sa mga ito palayo. Humiga ako para makatulog ako ng maaga dahil kapag madaling araw na ay aalis naako. Hindi ako nakatulog ng maaga kaya nagsulat muna ako bilang pagpapaalam kay mommy at pasasalamat rito. Nakatulog ako pagkatapos kung magsulat kay mommy nilagay ko ito sa side bed table. Nagising naman ako ng alas tres ng madaling araw. Bago ako umalis ay naligo muna ako at nagsuot ng hoodie jacket at denim jeans. Kinuha ko ang dalawang maleta sa closet. Bago ako lumabas

