May silently stared at the setting sun, with Xander embracing her, shielding her from the cold wind. Payapa ang Kamaynilaan ngunit hindi ganoon ang kanyang isipan. Halo-halo ang emosyon na kanyang nararamdaman noong mga oras na iyon at hindi niya malaman kung ano ba ang dapat niyang gawin. Kung tama pa ba ang mga desisyon na kanyang nililikha. Marahan niyang isinandal ang kanyang ulo sa balikat ni Xander at pumikit. Bagaman ramdam niya ang pag-usig sa kanya ng kanyang konsensiya ay hindi niya mapigilan na layuan ang lalaki. Kailangan niya ng makakapitan noong mga oras na iyon at ito lang ang naiisip niya na makakatulong sa kanya. Simula pa noong umalis sila sa restaurant ay walang imik ang kanyang nobyo. Hindi niya alam kung napansin ba nito ang pamumugto ng kanyang mga mata o kung napa

