Barrette's Pov I opened my eyes and the sight of unfamiliar white ceiling welcomed me. Sandali ko pang iginala ang mata ko sa paligid atsaka napagtanto na nasa isang hospital room ako. Sinubukan kong umupo ngunit mabilis din akong natigil nang maramdaman ko ang kirot at sakit sa iba't ibang bahagi ng aking katawan. Kaagad akong napatingin sa bumukas na pinto ng kwarto. Constantine with a nurse by his side walk in. "Barrette." Anas n'ya saka lumapit sa 'kin. Sinenyasan niya ang kasamang nurse na icheck ang mga vitals ko na mabilis nilang tinalima. "S-si...Saymetri?" Inalalayan ako ng nurse sa pag-upo. I heard him heaved a sigh. Alam kong narinig n'ya ko pero pinili niya lang na h'wag akong imikan. Nakita kong may inenject siya sa dextrose bago n'ya ko tuluyang hinarap.

