Barrette's Pov The crowd cheer for Creed after he won the race. Mabilis na tumayo sina Krei at Luthor atsaka tinakbo ang mismong racing track kung saan nakahinto na ang sasakyan ni Creed at kasalukuyan na itong nagbubunyi sa pagkapanalo. "Balato!" "Balato naman d'yan kahit isang case lang ng beer sa Elixir, ayos na 'yon." Magkasunod na hirit ng dalawa na inilingan ko na. Lumapit din ako kay Creed para batiin siya. He flashed a victorious smile and face the crowd. Ikinukumpas niya ang kamay sa ere at sinesenyasan ang mga fans niya na mag-ingay pa lalo. Napangiti na lamang ako. "Ilang buwan ka naman sa US?" Tanong ni Krei pagkatapos niyang lumagok ng alak mula sa bote. Tinapos ko rin muna ang pag-inom saka ipinatong 'yong bote sa ibabaw ng lamesa at nagkibit balikat.

