Third Person's Pov Ang namamayaning katahimikan sa pagitan nila ni Barrette ay hindi n'ya na matagalan pa. Saymetri is bothered with the silent treatment she's getting from him and that's so weird of her. Dahil ayaw n'ya naman talaga kinakakausap ang binata sapagkata naiirita s'ya sa kung ano man ang lumalabas sa bunganga nito. Sumulyap s'ya kay Barrette na diretso pa ring nakatingin sa kalsada na animo'y naka-glue na ang mga mata n'ya ro'n habang maingat s'yang nagmamanaeho. Bago pa sila makapaghapunan sa bahay nina Krei at Tasmine ay kapansin-pansin ng naging malamig ang pakikitungo sa kanya ng binata. Hindi n'ya alam at pilit n'yang inaalala kung may nagawa o nasabi ba s'yang masama. Bukod pa do'n ay pilit n'ya ring hinahanapan ng sagot ang sarili kung bakit parang

