Saymetri's Pov "Kailan ba kasi ibabalik ni Creed 'yong kotse mo? Ang hirap sumakay sa tricylcle, ang hassle." Inis na reklamo ko nang makababa na kami mula sa tricycle. Sinubukan kong suklayin 'yong buhok ko gamit lang ang aking daliri kaya lang ang hirap kasi para tumigas na 'yon na ewan. Nakakainis talaga! "Kapag naubusan ka na ng reklamo sa buhay." Sabi n'ya. "Oh you mean never? Kasi hangga't nandito ata ako hindi ako mauubusan ng reklamo!" I snarled and rolled my eyes on him. Hindi n'ya na 'ko inimikan pa at sa halip ay inilahad n'ya lang sa 'kin ang kaliwang kamay n'ya. I stare at it for a moment before my eyes went to his face? "Anong hinihingi mo?" Naguguluhan kong tanong. Nagsisimula na rin akong mailing sa mga taong nakatingin sa 'min, or more on nagsi

