Third Person's Pov "f**k you!" Halos sumabog na ang litid sa leeg na asik ni Barrette kay Maver at Creed na mukhang gulat at hindi inaasahan ang murang isinalubong sa kanila ng pinsan. Natatawang nagpalitan si Maver at Creed nang nakakalokong ngisi ng makita nila ang dahilan ng pagpupuyos sa inis ni Barrette. "Ah, nabitin...p'wede n'yo namang ituloy 'yong naudlot na ano ta's dito lang kami sa sala, wag lang kayo maingay." Mas lalong hindi na naipinta pa ang mukha ni Barrette dahil sa hirit ng dalawa. He raised his middle finger for them, earning a bark of laugh from the two lunatics. "Alipin ako na umiibig sa'yo—" Natigil sa pagkanta si Maver nang ibato sa kanya ni Barrette ang isa sa pares ng tsinelas n'ya. He may have that golden voice as he claimed it, and as ev

