Chapter 21 Nakipagtitigan muna si Regiena kay Alex. Nabalot ng katahimikan ang paligid. Kinakabahan siya sa mga susunod nitong sasabihin. "Doon muna tayo sa pangalawang bagay. Anong ginagawa sayo ni Damian?" Nabitin na naman siya. Pero wala naman siyang magagawa. Ang banta ni Damian ang matinding tinik sa kanyang dibdib sa kasalukuyan. "Noong isang araw pumunta siya sa amin. Muntik na niya akong pagsamantalahan. Dumating si Aling Mildred, yung kasambahay namin at yaya ng anak ko. Pinatay niya si Aling Mildred. Nilaglag niya sa veranda." Paglalahad niya sa mga nangyari. "Nakapatay ng mortal si Damian? Hindi pwede 'yun. Kasalanan yun kahit sa mga demonyong katulad niya. Hindi pwedeng kantiin ng sinumang elemental na nilalang ang mga tao. Pwede nilang tustusan ang isang mortal na pumatay

