Chapter 43 Narating na ni Regiena ang huling t***k ng kanyang puso. Hindi na siya makasinghap pa ng hangin sa kanyang ilong papasok sa kanyang baga. Ngunit sa isang iglap ay nabago ang lahat. Sa marahang paraan ay muling dumadaloy ang hangin sa kanyang katawan. Ang t***k ng kanyang puso'y unti- unting bumabalik sa normal. Ilang sandali pa'y... "Haaaaaaaa....." naduwal siya. Dali- dali niyang hinawakan ang kanyang dibdib at ang gawing likuran sa tapat ng kanyang puso. Wala na iyong butas. Ang dugo ay natuyo na. Kusang naghilom ang kanyang sugat. Buhay siya! "P- paano nangyari ito? Hindi ako napatay ni Satanas?" Sambit niya sa sarili. "Kailangan na naming ituloy ang aming mga plano." Umupo na muna siya ng saglit upang tinupin ang nawala niyang lakas. Nang tuluyang umayos ang kanyang paki

