Chapter 30
"Dalawampung taon na pala ang nakalipas? Ano sa tingin mo ang magaganap? Ano ang ipinakita ng itim na salamin kay Satanas at sa Mahiwagang Babaylan?" Sunud- sunod ang mga katanungan ni Regiena kay Alex habang matimtimang nakatitig sa pulang buwan.
"Ang alam ko lang ay malagim. Nakakatakot. Magwawagi ang kasamaan sa kabutihan."
Nangilabot siya sa tugon nito. "Bakit hinahayaan mo akong makausap ang Mahiwagang Babaylan? Ninyo nila Angela. Sa tingin ko ay mas kailangan niyong makausap ang Mahiwagang Babaylan." Saka niya napagtanto. "Sa tingin ko ay mabubuti kayong mga nilalang. Napakarami ninyong nalalaman sa mga demonyo. Kinakalaban niyo sila. Hindi ba't dapat niyong unahin na makausap ang Mahiwagang Babaylan? Hindi ako."
Tumingin ito sa kanya saka bumuntong- hininga. "May kailangan kang malaman Regiena."
"A- ano 'yun Alex?"
"Matagal na kaming naghahanap ng pwedeng kumausap sa Mahiwagang Babaylan. Isang tao. Sakto ang pagdating mo kaya pumayag si Angela. Si Santo tutol siya dahil may feelings ako sayo. Naniniwala siyang may iba pang tao na pwedeng humarap sa Babaylan. Ngunit narito ka na. Marami ka rin naman talagang gustong malaman hindi ba? Nagaganap na ang nakita ng itim na salamin dalawampung taon ang nakakaraan. Wala na kaming panahong maghanap ng ibang tao na pwedeng humarap sa Babaylan. Kaya kahit mapanganib ay pumayag na ako. Iyon din ang dahilan kung bakit kita tinutulungan sa paghaharap ninyo. Ayokong maharap ka sa panganib. Patawarin mo sana ako. Patawarin mo kami kung gagamitin ka namin."
Hindi naman siya nakaramdaman ng inis at galit sa lalaki. Naunawaan niya ito. At sa dami nang ginawa nitong kabutihan at pagliligtas sa kanya, tila wala siyang karapatang magtampo rito.
"Naiintindihan ko Alex. Hindi ka pa rin naman naglihim sa akin. Sinabi mo pa rin sa akin." Tugon niya.
"Sorry kung hindi ko kaagad nasabi." Napayuko ito. "Wala talaga akong planong sabihin sayo sa totoo lang. Dinadaan ko sa kwento ang lahat. Sa bawat tanong mo ay nag- iiwan ako ng iba pang mga tanong na itatanong mo sa Babaylan."
"Ano ba talagang gusto ninyong malaman? Sabihin mo na sa akin para maitanong ko sa kanya." Diniretsa na niya ito.
Binitawan nito ang mga dala saka nito hinawakan ang pulang kandila. Pareho na nila iyong tangan. Tinitigan siya ni Alex sa kanyang mga mata. Laking gulat niya sa mga sumunod na nangyari. Nagawa siya nitong kausapin sa pamamagitan ng isipan. Ngunit limitado lamang iyon. Sapat na upang masabi nito ang dapat niyang maitanong sa Mahiwagang Babaylan.
Saka na sila naghanda para sa gagawin nilang pagsasanay sa unang gabi ng kabilugan ng buwan. Magsisimula palang sana sila nang dumating si Angelus. Kitang- kita nila ang anino nito habang iniilawan ng pulang buwan. Dahil sa pulang kandila ay hindi sila nito nakita. Gayunpaman ay lumipad- lipad ito sa kanilang paligid. Napatingin sila sa kandila.
"Baka mamatay ang kandila dahil sa lakas ng pagaspas ng pakpak niya." Komento ni Regiena.
Dagli namang kumuha ng panakip si Alex sa kandila upang kahit mahangin ay hindi ito mamatay.
"Magsimula na tayo Regiena. Matagal pa ang gabi. Marami pa tayong dapat gawin." Anyaya nito. Saka nito inabot sa kanya ang isang mala- palangganang sisidlan.
"Para saan ito?" Tanong niya.
"Kapag pababa na ang Mahiwagang Babaylan ay dyan ka uupo sa gitna ng tulay. Makukuha mo kaagad ang atensyon niya kapag nakaupo ka sa palangganang iyan. Hihigupin kasi niyan ang luha ng Babaylan."
"Ang dali naman pala nito. Ganito lang ba ang gagawin nating paghahanda? Sasabihin at ie- explain mo lang sa akin ang mga gagamitin ko." Nakangiti niyang tugon.
"Hindi ordinaryong sisidlan yan. Portal din yan papunta sa purgatoryo. Hindi ka pwedeng mahulog. Kailangang tamang- tama ang iyong pagbalanse. Kapag nahulog ka ay hindi ka na makakabalik pa rito sa lupa."
Napalunok siya sa narinig. Tila kinain niya ang lahat ng kanyang mga sinabi kanina lamang. "K- kung ganon paano ako makakabalanse ng tama?"
Muli nitong kinuha ang palanggana saka nilapag sa lupa. "Kailangang naka- indian sit ka. Parang nagme- meditate. Pero nakahawak ka sa magkabilang gilid ng palanggana. Kailangan ay nakalutang ka sa loob. Hindi ka pwedeng maupo sa pinaka lapag ng palanggana dahil magdidiretso ka sa purgatoryo."
Nagpapaliwanag palang ito ay tila nangawit na ang kanyang mga braso. Kailangan niyang buhatin ang kanyang sarili habang naka- indian sit upang hindi tuluyang sumayad sa lapag ng sisidlan. Hindi naman siya mabigat pero baka mahirapan pa rin siya.
"Para hindi ka mangawit ay kailangan mo talagang mag- meditate. Bigyan mo ng atensyon ang iyong paghinga. Mag- pokus ka roon. Wag kang magpapadala sa ibang nangyayari sa paligid. Pumikit ka kung kinakailangan. Kapag narinig mo na ang tinig ng Babaylan saka mo lang imulat ang iyong mga mata. Saka ka lang din umalis sa pagkakaupo mo dahil nakuha mo na ang kanyang atensyon nang makababa siya sa lupa."
Saka nito pinakita ang tamang pag- upo sa kanya. Sa ganda ng pangangatawan ni Alex ay alam niyang madadalian lang ito sa pagbalanse. Tila nagme- meditate nga ito. Nakapikit lang ito.
"Ikaw naman?" Tanong nito.
Tumango siya. Kinakabahan niyang ginawa ang pag- upo habang nagbabalanse sa sisidlan.
"Ipikit mo ang iyong mga mata. Focus Regiena. Sa iyong paghinga mo lang ibigay ang iyong atensyon." Saad niyo.
Iyon naman ang kanyang ginawa. Huminga siya ng malalim saka sinundan ang paglabas at pagpasok ng hangin sa kanyang katawan. Nakatagal siya. Hindi siya nahirapan. Epektibo ang payo nito. Hanggang sa isang malakas na hangin ang kanyang nadama. Dagli niyang iminulat ang kanyang mga mata. Laking gulat niya nang makitang nasa tabi lang nila si Angelus. Ang mas nagpatakot pa sa kanya, marahil pati kay Alex ay nagawa nitong itaob ang nakatakip sa pulang kandila. Kitang- kita niya kung paano tuluyang namatay ang apoy sa dulo ng kandila.
"Diyos ko po." Nasambit niya habang nanlaki ang kanyang mga mata.
Nilingon sila ng fallen angel. "Mga mapangahas!" Sigaw nito.
Bigla siyang nawala sa kanyang pagkakabalanse. Nadikit ang kanyang puwetan sa lapag ng sisidlan. Naalis din ang pagkakakapit niya sa mga gilid nito. Doon niya naramdaman na hinihigop na siya ng sisidlan.
"Aaaaaah! Tulong! Alex tulong! Hinihigop ako ng palanggana!" Bulalas niya.
Dagli naman siya nitong tinulungan. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay upang hatakin siya pataas. Ngunit nasa likod naman nito si Angelus. Kitang- kita niya ang pagpalakol nito sa likod ni Alex.
"Aleeeeeex!"
"Uuuuuuugh!" Napahiyaw ito sa sakit.
"Mamamatay ang lalaking ito! At ikaw naman babae ay hihigupin ng purgatoryo at mamumuhay doon hanggang sa iyong kamatayan!!!" Sigaw ni Angelus bago muling ikampay ang hawak na palakol.