Chapter 40 "Papatayin kita!" Sigaw ni Jelor habang nakapaibabaw kay Damian. "Jelor wag!" Pagpigil naman ni Regiena. Lumapit pa siya upang ilayo ang kasintahan sa demonyo. "Pabayaan mo na siya. Kapag natalo natin ang buong Illuminati ay mawawala rin ang demonyong 'yan." "Pabayaan mo si Jelor, Regiena!" Saad ni Santo. "Nagsimula na ang digmaan. Napasok na nila ang Vatican. Mga demonyo sila kung kailangang patayin ang kanilang pisikal na katawan ay gagawin natin. Mapupunta lang naman sila sa impyerno eh at hindi na makakaakyat sa lupa." "Hahahahaha! Ang lakas na ng loob ninyo ah! Nagsimula na kasi ang hudyat ng digmaan! Pwede na kayong magsalita ng hindi lihim maliban sa plano ninyo laban sa amin! Pwede na rin kayong pumaslang ng demonyo dahil hahayaan na kayo ng bantay ng lupa bilang nas

