Chapter 63 "Nanghihina na ako." Saad ni Angela. "Ako rin. Mauubos na ang lakas ko." Pagsang- ayon naman ni Jelor. "Baka hindi na tayo makatalon neto sa portal." "Papupuntahin ko sa akin ang lahat ng halimaw. Tumalon na kayo pabalik." Saad ni Damian. Nagulat sila sa tinuran nito. "A- ano? Damian wag. Hindi ba't sinabi kong ililigtas ka namin." - Angela. "Sa kauna- unahang pagkakataon ay gagawa ako ng tama. Basta 'yung napag- usapan natin tungkol sa kapatid ko ay gawin mo Angela. Paalam. Paalam." Nagtatakbo sa kabilang dulo ng tulay si Damian. Tinipon nito ang natitirang apoy sa katawan bilang isang demonyo. Aandap- andap na iyon dahil nasa purgatoryo sila. Ngunit sapat na 'yun para makuha nito ang atensyon ng lahat ng halimaw. Sinugod ito ng mga halimaw hanggang sa mahulog ito sa m

