Chapter 70 Inabot din si Regiena ng isang oras kakahanap kay Jelor hanggang sa bumalik nalang siya sa kanilang villa upang doon maghintay. Hindi naman siya nabigo. Bumalik din si Jelor. Kagyat siyang lumapit dito. "Huy Jelor sorry na. Wala naman akong masamang ibig sabihin kanina eh. Ang sa akin lang..." Hindi na siya natapos pa sa pagsasalita. Lumuhod ito at naglabas ng isang simpleng singsing na gawa sa papel. "Hindi ko alam kung ganito nga ba 'yun pero pakakasalan mo ba ako Regiena Nicole? Will you marry me?" Napaluha nalang siya. "Oo naman. Yes I will marry you Jelor!" Isinuot nito ang singsing na gawa sa papel sa kanyang kaliwang palasinsingan. Tumayo ito upang siya'y yakapin ng mahigpit. Sa wakas isang totoong wedding proposal ang naganap. Simple lang pero papalapit na sila

