Chapter 74 "Bitawan mo ako Dement! Ano ba?" Walang tigil sa pagpupumiglas ang babaeng demonyo nang hulihin ni Dement. Wala siyang kaalam- alam na hindi si Regiena ang hawak niya kundi ang sarili niyang kakampi. "Anong bitawan? Ito ang utos ng mahal na Lilith. Magiging bihag ka na namin. Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Paris. Siguradong nagdududa na sila sa iyo kung kaya't pinag- utos nila ito." "Ano bang pinagsasabi mo? Bakit ko naman 'yun gagawin kay Paris? Bitawan mo ako!" Dahil sa pagkarindi sa boses nito ay pinukol niya ito sa ulo at ito'y tuluyang nakatulog. Dinala niya ito sa basement ng St. Peter's Basilica at doon itinali't ikinulong. .......... Umalis na muna si Angela sa Italya at pansamantalang bumalik ng Pilipinas. Hahanapin niya ang isang tao na makakapagpabago

