Chapter 25 Habang mas lumalapit ang mukha ni Alex kay Regiena ay nauna nang dumampi ang hininga mula sa ilong nito papunta sa kanyang mukha. Nang ilang inches nalang ang layo ng mukha nila sa isa't- isa ay saka niya ipinikit ang kanyang mga mata. Paghahanda sa gagawin nitong paghalik sa kanya. "Bakit ka nakapikit Regiena?" Narinig niyang tanong nito. Saka niya napagtantong nag- assume lang yata siya na hahalikan siya nito. Naisip niyang kanina ngang hindi nito sinasadya na mahalikan siya ay grabe na ito kung makahingi ng tawad. Paano pa kaya kung sasadyain nito. Dagli niya tuloy minulat ang kanyang mga mata. "Huh?" Saka siya umalis sa pagkakasansal sa pader at muling nag- ayos ng gamit kahit wala naman talaga siyang gamit dahil hindi niya inasahang ilang araw pala silang mag- stay sa

