Chapter 16 Realizing Shin's POV Tumingin lang ako kay Robi habang nakayakap sa 'kin si Kuya. Ano ba naman 'to, oo na-miss ko si Kuya, pero hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa kaniya. Ang dami nang nangyari sa mga nakalipas na taon. Pagtapos kong umalis ay hindi na ulit ako nagpakita sa kanila ni Lolo. Ni-hindi ko alam kung ano na ang naging buhay nila, kung hinanap ba nila ko. Nagkahiwalay man kami ni Jace pero hindi ko pa rin sila binalikan. Humiwalay sa 'kin ng pagkakayakap si Kuya. "Aurea, ano bang nangyari sa 'yo, bakit hindi ka na nagpakita ulit, hinanap kita." Lumingon siya kay Robi at tinitigan na para bang kinikilala niya si Robi. Napahawak na lang sa may batok si Robi at tumingin sa 'kin. Ano ba 'to, bakit ganito siya makatingin kay Robi? Tumingin sa 'kin si Ku

