Chapter 2: The Buyer

3564 Words
Chapter 2 The Buyers Aurea Shin Valdez's POV Naglalakad na kami ni Belle papunta sa hotel na pinag-tatrabahuhan namin. Sabay kami lagi ni Belle pumasok since magkasama lang kami sa apartment na tinutuluyan. "Ano ba 'yan lutang pa 'ko at inaantok! kung wala lang kaltas sa sweldo kapag hindi pumasok, um-absent na 'ko," sabi ni Belle habang hagod pataas ang buhok niya. "Oo nga, hayaan na natin, 'wag na tayong pumasok," kunwari na aya ko. Para naman siyang nag-isip at mayamaya lang biglang nanglaki ang mga mata niya at umiling-iling. "Hindi pwede girl, hindi puwede! you're so bad influence," sagot niya sa 'kin na kunwari'y umiirap. "At bakit ganiyan ka maka-pag-react ha? May babayaran ka bang utang at takot na takot kang makaltasan?" kunot noong tanong ko. "Ano ka ba! mamaya na ipapakilala sa atin ni Sir Ken ang magiging bago nating bos kaya hindi pwedeng hindi tayo makilala at baka hindi niya tayo matanggap bilang employees!" nakasimangot niyang katwiran. Napabuga ako ng hangin. Actually, 'yan mismo ang dahilan kung bakit ayokong pumasok. "Hey girls!" Napatingin kami ni Belle sa likuran namin nang may tumawag sa 'min. Si Peter Maxwell. Ang aking kaibigan na may ibang pagtingin. "Ano? Wala ba kayong balak hintayin ako?" may tampu-tampuhang tanong ni Peter. "Wala! Wala ka naman sinabing hintayin ka namin 'di ba?" si Belle na pinaikot pa ang mata niya. "Oh? Edi sige alis ka na diyan, hindi ko naman gustong makasabay ka, gusto ko lang naman makasabay, si Shin." Tapik naman ni Peter kay Belle. "Edi 'ayan lamunin mo!" sabay tulak ni Belle kay Peter papunta sa 'kin. "Ano ba kayong dalawa! Ang g**o n'yo," pagpapatigil ko sa kanila. "Siya kasi," sabay pa sila habang magka-turuan sa isa't isa. Napailing na lang ako sa kanila. Magkaibigan naman talaga sila, pareho din silang chef sa Alvarez hotel. Pareho ko silang kaibigan at magkasundo, 'yon nga lang ganiyan sila magpakita ng friendship, laging nag-aaway. "Ay nako! 'wag mong sasagutin 'yan! sinasabi ko sa 'yo," banta ni Belle habang parang papatayin na sa tingin si Peter "Whatever!" tanging sagot ni Peter, habang tinatakpan ang magkabila kong tainga. "'Wag mo siyang papakinggan, Shin 'wag!" Tinanggal ko ang kamay niya sa tainga ko habang natatawa. Umamin kasi sa 'kin si Peter na may gusto siya sa 'kin. Pero hindi niya 'ko liniligawan, hindi kasi ako pumayag dahil ayokong paasahin siya sa wala at good thing nirespeto niya ang desisyon ko. Alam ko sa sarili kong hindi ko pa kayang magmahal ulit. Pero hindi ibig sabihin niyon ay may natitira pa akong pagmamahal sa hinayupak kong ex. Don't get me wrong, I don't want them to think that I still not over with 'him' but I know I'm done. Sadyang sa nangyari noon ay hindi ko pa kayang magmahal ulit, kung kailan ako magiging handa? hindi ko pa rin alam. "Tse! Ewan ko sa in'yo, male-late na 'ko." Naglakad na 'ko. Naramdaman kong sumunod na sila sa 'kin. "Ngayon nga pala ipapakila 'yong magiging boss natin 'no," biglang sabi ni Peter. "Oo nga, at parang ang gwapo ng pangalan," ngingiti-ngiting sabi ni Belle. Mr. Winters. Iyan ang pangalan ng buyers ng hotel. Hinawakan ko ang dibdib ko nang biglang bumilis ang t***k niyon, napakabilis. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari at pwede kong makilala. Tama nga kaya na tinanggihan ko ang alok sa 'kin ni Sir Ken? Tama nga kaya na hintayin ko pang makilala ang buyers ng hotel? *FLASHBACK * "Uy Belle, anong rinig mo sa sinabing pangalan ng buyers?" tanong ko kay Belle na busy'ng busy sa paglalaro ng Tower Blocks sa phone. "Winters daw! Bakit? nabingi ka na ba?" nakaturo pa ang kamay sa tainga niya. "Ah hindi, naniniguro lang." Tumingin naman ako sa kaliwa ko kung nasa'n si Peter na naglalaro ng Flappy bird. Seriously? Sa trabaho ? Naglalaro ng mobile games? Bahala nga sila diyan, pero kung sabagay break naman nila. "Peter ano'ng dinig mo doon sa pangalan ng buyers?" tanong ko naman kay Peter. Napatingin naman si Peter ng nakasimangot sa 'kin. "Seriously? Nagtanong ka na kay Belle? Pati sa 'kin na alam mo nang busy, tinanong mo pa? Alam mo bang malalagpasan ko na ang score ng bruhilda na 'yan, " nakaturo pa siya kay Belle. Nilingon ko si Belle sa kanan ko at nakita ko siyang nakangisi. "Sorry?" umiirap kong sabi. "Winters nga!" sagot na ni Peter na mukhang napipilitan. Sumimangot lang ako sa kaniya. "Bakit ba?" "Baka kasi nagkamali lang ako ng dinig?" patanong kong katwiran. "'Wag mong sabihing tatanungin mo lahat ng employees dito para lang makasiguro?" "Umm pwede rin!" biro ko. "Shin! Tawag ka ni Sir Ken" Napatingin ako sa tumawag sa 'kin na katrabaho din namin na si Jessie. "Sige, susunod na 'ko," sagot ko na lang. Umalis na 'ko sa pwesto ko. "Osige ako na munang bahala dito sa pwesto mo," saka pumalit si Jessie sa pwesto ko bilang receptionist. Tumango na lang ako sa kaniya saka naglakad paalis. "Oy Shin!" nilingon ko si Peter na siyang tumawag sa 'kin. "Itanong mo kay Sir kung anong pangalan," may mapang-asar niyang sabi. Sinimangutan ko na lang siya at umalis na. Sana naman kasi kapangalan lang niya. Hindi pa 'ko handang makaharap siya, lalo na ang maging boss siya. Hindi pa 'ko handang makausap siya, kung kakausapin niya nga ako. Dalawang taon na ang nakalipas matapos ang lahat ng nangyari sa 'min, baka naman wala na lang sa kaniya ang lahat? Ewan ko ba, normal lang naman sa mundong ito na may magkapangalan, pero hindi ko alam kung kailangan ko bang kabahan. There's someting in my instinct kasi na parang iisa lang sila, na sana mali. Ewan ko kung paranoid lang ako pero parang 'yon 'yong kutob ko. Nang makarating ako sa office ni Sir Ken ay kumatok ako at nang narinig kong nagsabi siya ng 'come in' ay pumasok na ako. "Sir pinatatawag nin'yo raw po ako?" sabi ko pagkatapat ko mesa niyang puno ng mga papeles. Tumango si Sir Ken, "Umupo ka." Tinuro niya ang upuan sa harap ng mesa. Sinunod ko ang sinabi niya at naupo. "Bakit po?" magalang kong tanong. "Aalis na kami sa bansa patungong state," tugon niya. "Sumama ka sa amin?" aya ni Sir Ken. Napakurap-kurap ako at hinintay na bawiin ang sinabi niya ngunit lumipas ang ilan pang segundo ay hindi pa rin nito binabawi, kaya agad na akong tumugon sa kaniya. "Hindi na po Sir." Pinagsalikob ni Sir Ken ang dalawang palad niya at mukhang napaisip saka muli akong tiningnan. "Hindi naman kita maiiwan," malumanay niyang sabi. Si Sir Ken ang nag-ahon sa 'kin sa pagkakalubog ko. Binigyan niya 'ko ng trabaho at tinulungang magsimula uli. Parang tatay ko na siya at mabait din ang anak niya. Siguro kasing edad niya ang papa ko. Dahil sa kaniya hindi ko naramdaman na iniwan ako ng ama ko at lumayo. Mabait si Sir Ken. Halos siya na ang tumayong magulang ko magmula nang humiwalay ako sa lolo ko. Napakabait ni Sir Ken sa 'kin at hindi lang sa akin kundi kahit kanino. "Sir okay na po ako, hindi n'yo naman po ako responsibilidad, kaya ko na po." "Para sa 'kin responsibilidad na kita, para na kitang anak." Seryosong-seryoso ang expresyon niya. "Sir Ken, okay lang po ako. Tinuring ko rin po talaga kayong ama ko pero ayoko na rin pong sumiksik sa pamilya nin'yo. Mabait po sila sa akin pero baka mas magiging masaya sila kung kayo na lang pong pamilya ang aalis. Okay lang po ako dito," pangungumbinsi ko pa. "Sigurado ka?" may pag-aalala pa niyang tanong. "Opo," nakangiti kong tugon. "Paano ba kita maiiwan?" Tila ba namomroblema niyang tanong sa sarili. "Sir sabi n'yo naman hindi ako mawawalan ng trabaho 'di ba? 'yon lang po ay sapat na." Hinawakan ko ang kamay ni Sir Ken na nasa ibabaw ng mesa. "Sir nagpapasalamat ako nang sobra sa mga tulong nin'yo." Hinawakan niya ng isang kamay ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya at ni-tap iyon. "Sige pero 'wag kang mahihiyang i-contact sa ako kapagkailangan mo ha." Tumango ako sa kaniya. "Opo." *END OF FLASH BACKS* "Oh? lutang ka nanaman?" biglang tapik sa akin ni Belle na nakapag-pabalik sa akin sa reyalidad. "Aray ko naman Belle." Kinamot-kamot ko ang parte ng braso kong tinapik niya. "Ikaw naman kasi! dito na tayo, lagpas ka na po." Tangkang babatukan ako ni Belle pero hindi niya naman tinuloy. Napatingin naman ako sa harapan ko. Lalagpas na 'ko kung hindi ako hinila ni Belle. "Oy may flower ka nanaman oh," biglang sabi ni Belle nang makapasok na kami habang pinapakita sa 'kin ang bouquet ng rosas na nakapatong sa counter na pinagpe-pwestuhan ko. "Bakit ako na-basted kaagad, pero sila hindi," reklamo ni Peter habang nakatingin sa bouquet of roses. Nilingon ko si Peter at nagsalita. "Matagal ko nang sinabihan 'yan, ayaw lang nilang makinig, mabuti nga ikaw nakinig." Bwisit na nalagay ko sa kung saan ang bulaklak. "Bakit kasi ang bitter mo sa kanila ha? mamigay ka naman ng chance," simangot na sita sa 'kin ni Belle. Umiling ako sa kaniya. "Hindi ko alam! Basta ayoko sa boyfriend. Sakit lang sa ulo 'yan." Nagpaka-abala na 'ko sa mga kailangan kong gawin at hindi na sila pinansin, ayokong pag-usapan. NAGLALAKAD na 'ko palapit sa kung saan kami pinatawag ng boss namin. Malaki ang posibilidad na ipapakilala na kami sa magiging bagong magmamay-ari ng hotel. Sa totoo lang ayokong magpunta dito dahil kinakabahan pa rin ako sa Mr. Winters na 'yon. Paano kung s'ya nga? 'Wag naman po sana. Ayoko pa, ayoko na siyang makita ulit. Sana hindi siya yon, dahil hindi ko alam ang mangyayari sa 'kin pagnakita ko na s'ya. May tiwala naman ako sa sarili ko, na hindi ko hahayaan na mahulog sa kaniya. Pero ang wala akong tiwala ay sa puso ko, kung anong mararamdaman nito pagnakaharap ko na siya. Paano kung bigla na lang akong bumigay at mawasak ang pilit kong pinatibay na pader? Huminga na lang ako nang malalim. Kailangan kong pumunta doon kahit ayoko. Mas mabuti na rin siguro 'to kaysa isip ako nang isip, baka sakaling paranoid lang ako masiyado. Nang makapasok na 'ko sa lobby nanglaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking nakatayo sa harap ng lahat ng employees. Ang bilis ng t***k ng puso ko, sobrang bilis. Hindi nga ako nagkamali, ngayon alam ko na kung bakit ganito na lang ang lakas ng t***k ng puso ko. Kung bakit ganito na lang ang kaba ko mula nang marinig ko ang pangalan ng magiging new owner ng Alvarez Hotel, ay dahil maging ang puso ko alam kung sino ang kinatatakutan nitong makita. Umalis na lang kaya ako? Oo tama aalis na lang ako... Maglalakad na sana ako paalis nang matigilan ako sa pag-iisip. Hindi, hindi ako aalis. Kung aalis ako ay para ko nang inamin na mahina ako, na hanggan ngayon talo pa rin ako. Bumalik ako at pumuwesto sa may dulo. "Everyone! He will be your new boss, Mr. Jace Winters," introduced sa kaniya ni Sir Ken. "Good morning! I'm Jace Allen Winters, don't worry hindi namin kayo pababayaan na mga employees ng hotel na 'to, kung sino ang mga nandito, pinapangako kong hindi kayo mawawalan ng trabaho," nakangiting sabi ni Mr. Winters. Hindi pa rin nagbabago ang boses niya, mas tumangkad pa siya at pumuti, mas lalo rin siyang gumwapo, mas lumaki ang katawan niya at mas naging disente siyang tingnan, halatang malaki na ang pagkakaiba ng takbo ng buhay ni Jace, bakit kaya biglang yumaman 'to? "Thanks Sir," sagot ng mga employees na katulad ko. Kung anu-ano pa ang mga sinabi niya, pero kahit isa doon ay wala akong naintindihan. Hindi matigil ng isip ko ang magtanong kung paanong nangyari na mayaman na siya, na ang dating tinatapaktapan lang ng lolo ko ay nakatayo ngayon sa harap ko bilang magiging boss ko. Pinakilala sa kaniya isa isa ang mga employees dito sa hotel. Ang laki na ng pinagbago niya, ang formal na niyang tingnan. Hindi na siya 'yong katulad ng dati na hindi makikitang inayusan ang sarili. Mukha na talaga siyang mayaman. "And the special employees here..." Napakurap ako nang mabilis nang biglang nagsalita si Sir Ken pabaling sa 'kin. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa 'kin kasama si Mr. Winters "Jace, meet Aurea Shin Marguez, my special employee, 'wag na 'wag mong papabayaan 'yan." Nakatingin lang siya sa 'kin na para bang may mga bagay na gustong sabihin pero hindi niya masabi, basang-basa rin sa kaniya ang gulat. "Good morning Sir and nice to meet you," pormal na pagbati kong may kasamang ngiti. Nginitian ko siya na parang walang nangyari at hindi na ako apektado sa lahat ng nakaraan... Kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang magpalamon sa lupa. Nag-alok ako ng shake hands na may kasamang pagyuko bilang paggalang. "Nice meeting you Sir," inulit ko ang sinabi ko habang nakalahad ang kamay sa paggitan namin. Mukhang ngayon lang siya nakabawi sa pagkagulat nang ulitin ko ang sinabi ko. "N-nice meeting you, too," pagtanggap niya ng kamay ko. Muntik ko nang bawiin nang makaramdam ako ng kakaibang koryente sa balat ko, pero pinilit kong itinago iyon nang magmukhang normal. 'Mukhang masaya ka na ngayon, habang ako naging misarable ang buhay at nahirapan, ikaw nagpapakasaya sa karangyaan mo ngayon na dapat meron din ako kung hindi ko pinakawalan para sa 'yo.' Gusto kong sabihin sa kaniya 'yan pero hindi ko magawa, dahil ayoko nang buksan ang kung ano mang nakaraan namin. Nakapag-umpisa siya nang siya lang, very successful na siya at mukhang hindi manlang siya nag-isip kung asan na 'ko pagtapos ng mga nangyari sa 'min, kailangan ko pa bang maapektuhan? Para ano, para magmukhang kawawa sa paningin niya? No way. INAAYOS ko ang mga papers dito sa may counter nang may narinig akong pinag-uusapan ng mga katrabaho ko. "Grabe may na-hook agad siyang lalaki?" sabi ng maputing receptionist. "Oo nga, ang gwapo pa naman," sang-ayon ng chinitang janitress. "Sana ako na lang siya," 'yong receptionist uli. "Oo ang swerte niya, nasa kaniya na nga si Chef Maxwell pati ba naman si Mr. Winters makukuha niya pa," komento uli ng janitress. Sino kayang pinag-uusapan nila? Para kasing ako, don't get me wrong pero hindi kasi ako manhid. Isa lang naman kasi ang Chef Maxwell dito at si Peter lang 'yon, at ako lang naman ang halos ligawan na ng taong iyon. Napatingin sila sa 'kin, mukhang napansin nilang may nakatingin sa kanila. "Shin, tinatanong ka pala sa amin ni Mr. Winters ah," ani receptionist na parang alam na nilang alam kong pinagchichismisan nila ako. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, "Bakit daw?" tanong ko. Nagkibit-balikat 'yong dalawa. "Ewan ko, basta tinanong ka niya sa 'min kung saan ka naka-toka." Tumango na lang ako. Ang kapal naman ng mukha niya para magtanong pa tungkol sa 'kin. Pagkaalis ng dalawang katrabaho ko ay nagulat na lang ako nang biglang may nagsalita sa gilid ng counter. "Rea..." Napatingin ako sa tumawag sa 'kin, isa lang ang tumatawag sa 'kin ng Rea, ang tagal na nang panahon na huling beses na may tumawag sa 'kin ng Rea na dating palayaw ko. Isa na lang naman ang nandito sa hotel na maaaring tumawag sa 'kin niyon, si Jace lang. "Rea you look so different," Jace's whispered "Sir may kailangan po ba kayo? And Sir please call me Shin not Rea, hindi po ako si Rea." Hinawakan ko pa ang name tag ko para ipakita sa kaniya. Walang emosyon ang mukha ko habang nakaharap sa kaniya, wala na 'kong balak na ngitian siya ulit, dahil nasa harap lang naman kami ni Sir Ken kanina. "Noon naman 'yan ang tawag namin sa 'yo 'di ba?" "Excuse me Sir?" "Please Rea, don't pretend that you don't know me." Inismiran ko siya. Putik parang walang nangyari kung makaasta. "Mula sa huli nating pagkikita hanggan ngayon, sinusumpa pa rin kita." Mariin ang pagkakasabi ko sa mga salitang binitiwan ko. "Look I'm sorry, please let me explain." "You don't have to explain Jace, we're over, kaya wala na akong pakialam sa kahit anong paliwanag mo." Nilingon ko si Belle sa may malapit lang sa 'min, nakatingin lang siya sa amin na parang nag-aalala. Sa tingin ko ngayon ay alam niya na kung sino si Mr. Winters sa buhay ko. "Belle ikaw muna dito." Aalis na sana 'ko sa pwesto ko nang pigilan ako ni Jace sa kamay. Hindi ko alam pero tila may koryenteng dumaloy sa akin nang nagdikit ang palad namin. Iba sa naramdaman ko kanina. Hindi ko alam kung bakit hindi ko ito naramdaman kanina, ang alam ko lang ay parang ang hirap nang bawiin ng kamay ko, para bang ayoko na 'tong bitiwan. "Rea I have my reason, please listen, mag-e-explain ako." Nagsusumamo ang kaniyang mga matang nakatingin sa 'kin. Hindi ko alam pero nang sabihin niya 'yon, hindi na 'ko nagpumiglas pa. Bakit? Bakit parang may humihila sa 'kin na pakinggan ang explanations niya, bakit umaasa 'ko na maganda ang dahilan niya. Tama ba to? Tama bang bigyan ko siya ng pagkakataon? Pagtapos ng lahat? Isa lang. Isang beses na lang na bibigyan ko siya ng pagkakataon na sabihin ang paliwanag niya. Tumingin ako sa kaniya at naghintay ng gusto niyang sabihin. Nakita ko ang pababa ng balikat niya na para bang nakahinga siya nang maluwang, na 'after all finally pakikinggan ko na siya. "I'm sorry pero nagawa ko lang naman iyon dahi-" hindi niya natapos ang sasabihin niya. "Hon nandito ka pala, kanina pa kita hinahanap," nakangiting sabi ng isang mestiza at magandang babae na biglang dumating. "M-may kinakausap lang ako dito," sagot ni Jace sa babaeng katabi kasabay niyon ay ang pagbitiw niya sa kamay ko. Nakatingin lang ako sa kanila ng babae na ngayon ay nakasabit na ang kamay sa braso ni Jace habang iyong isang kamay naman ay nasa balikat nito. "Ow the receptionist, hi," nakangiting baling sa 'kin ng babae. Masiyado siyang maganda, nakakasilaw ang ngiti niya. Binigyan ko lang siya ng ngiting walang kalaman-laman pero magalang. Hon? Girlfriend niya itong babaeng 'to? Ano pa palang gusto niya sa 'kin ipaliwanag? Para ano pala 'yon? Wala lang? Trip niya lang kasi may kasalanan siya? Masiyado ba 'kong nag-assume na may ibang dahilan ang paliwanag niya. Pasimple akong huminga nang malalim nang maramdaman kong unti-unting nag-iinit ang mga mata ko. "Teka Hon, parang nakita ko na s'ya?" mukhang napapaisip na sabi ng babae. Maaring ang naalala niya ay ang huli naming pagkikita o alam rin niya ang Valdez? Pero at least kahit pala papaano naalala niya pa 'ko, kahit papaano pala alam n'yang nag-e-exist ako sa mundo niya, mundo nila. "Nagkita na ba tayo?" tanong niya na kaagad kong inilingan. "No, ma'am." Napa 'ahh' siya sa sagot ko, "Baka imagination ko lang," sabi niya nang may kibit-balikat. "Okay by the way, I'm Crystal, nice meeting you." Inabot niya sa akin ang kamay niya bilang alok ng shake hands, sa totoo lang ayokong tanggapin ang inaalok niyang shake hands. Paano ko nga ba hahawakan ang kamay ng babaeng umagaw ng boyfriend ko? Hindi ako pwedeng magkamali, siya ang babaeng 'yon nag-iba lqng ang shade ng makeup at buhok pero siya iyon, at mukhang sinamantala nga nilang dalawa ang pagkawala ko. "Nice to meet you, too, Ma'am." Pagtanggap ko na lang ng kamay niya. Mukha siyang mabait pero bakit ganoon? Hindi ko makuhang tingnan ang good side niya. "Crystal let's go," bulong ni Jace na rinig ko pa rin dahil sa malapit ako sa kanila. "Ah okay." Tiningnan muna 'ko ni Crystal bago siya sumama kay Jace at kumaway. Matapos ay umalis na sila pareho nang magka-holding hands. Pinunasan ko ang luhang naipon na sa mga mata ko Ang sakit, sobrang sakit. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang masaktan kahit na wala na akong karapatan pa, matagal na kaming wala ni Jace, wala na kong karapatan. Tinawag ko muna si Belle para pumalit sa 'kin sa pwesto ko dahil gusto ko munang umalis dito. Noong una ay gusto akong yakapin ni Belle dahil mukhang alam na niya ang nararamdaman ko, pero umiling lang ako sa kaniya at umalis na. Ang gusto ko lang ngayon ay lumayo muna sa maraming tao at itago ang sakit na nararamdaman ko. Nang makarating ako sa CR ay sumandal na lang ako basta sa pintuan. Iyan na nga ba ang sinasabi ko, na pwede akong maging mahina sa oras na magkaharap na kami, na pwedeng muling matutong umasa ang puso ko sa isang bagay na hindi naman sigurado. Ang tanga ko kasi, bakit ba kasi ako umasang magiging maayos pa ang lahat, na lahat 'yon ay may magandang dahilan at hindi sinasadya, na hindi niya alam ang ginagawa niya. Sa ilang segundong pag-uusap na 'yon ay nagawa kaagad umasa ng puso ko na mahal niya pa 'ko, na may magandang paliwanag ang lahat nang nangyari... Pero wala, walang magandang dahilan dahil kung meron, sana, sana hindi niya kasama ang babaeng 'yon ngayon, ang babaeng kasama niya nang mga oras na iyon, ang babaeng nakita kong kahalikan niya. Ang sakit, sobrang sakit, nag-paloko nanaman ako, nagpauto sa sarili kong puso. Ang tanga ko, bakit ba 'ko umasa, hindi na dapat pa. Mula ngayon hindi na ulit ako iiyak para sa kaniya, dapat maging matapang pa rin ako sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Pinunasan ko ang pisngi ko at humarap sa salamin, "I'm going to be fine..I'll be fine" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD