Chapter 35 Suzanne Medina "Bakit isasama pa natin si Sebastian?" Tanong ko kay Clay na kasalukuyang tsini-check ang kotseng gagamitin namin papunta sa eskwelahan. Isang linggo na ang nakaraan matapos ang trahedyang nangyari sa Archangel Academy at ngayon pinapabalik na kaming mga guro at estudyante ng may-ari. Ayaw pa sana ng principal na pababalikin ang mga estudyante. Iniisip nito ang kalagayan ng mga bata hindi naman grabe ang mga natamo nila sa pagsabog pero baka nagkaroon sila ng trauma. Nais pa nga sana ng principal na ipasailalim ang mga bata sa isang psychologist pero gaya ng sabi ni Miss Aregalado na walang budget ang eskwelahan para do'n kaya walang nagawa ang principal maging kaming mga guro. Naayos na rin ang lugar kung saan naganap ang pagsabog. Agad itong pinaayos ng m

