And then I realized what I did from the past months... ito na ang consequence ng mga desisyon ko. Akala ko talaga katapusan ko na. Akala ko papasabugin ni Papa ng tuluyan ang mga bungo namin. Muntik na! Pero parang torture na rin sa akin na makitang galit na galit sina Kuya, Papa at Mama. Para bang nagpipigil na lang silang wag sumigaw o magwala. Nasa tabi ko si Uncle Sebastian. He looks so calm, samantalang ako rito e parang maiihi anytime sa inuupuang sofa. Masyadong tahimik. Walang nagsasalita. Ang pamilya ko ay nakatitig lang dito. Gusto yatang manakal. "Anong plano niyo?" Inis na singhal ni Mama. Napalunok na lang ako. Wala... as in wala akong plano. Gusto ko lang naman sanang ienjoy ang mga nangyayari. I am not hoping for anything. Alam ko kasi kung ano ang mangyayari kung sakali

