Kailangan pa yata ng isang tao para lang masagot lahat ng kalituhan na naiisip ko. Kung hindi naman kasi ako kinausap si Kuya George hindi ko maiisip ang mga possibilities. Pero sa tingin ko, huli na. Wala na e. Hindi ako maghahabol. Kasi kasalanan ko kung bakit naging ganoon si Uncle Sebastian. Galit na rin siguro ito sa akin. O kaya'y siguro iniisip niyang hindi ako magandang maging asawa. Kung ngayon pa nga lang bagsak na sa mga desisyon, ano pa kaya sa mga susunod? Kaya tama lang din siguro na hindi ako maghahabol. Hahayaan ko na lang ang tadhana na mangyari. Tinititigan ko pa rin si Alexis mula sa malayo. Galit iyon kaya hindi niya na siguro ako pag-aaksayahan pa ng oras. May mga bago na itong kaibigan. At napapansin na rin yata ng mga blockmates namin iyong cold war na nangyayari

