"My Berry..." ngising-ngisi siya habang nakadipa ang mga braso. Nangingiti ako pero minsan hindi ko alam kung dapat ba akong sumimangot o hindi. Miss na miss ko na siya. Kaya siguro nakalimutan ko na nandito ang buo kong pamilya at tumalon papunta sa kanya. " Ay santisima! Ang landi!" Sigaw ni Mama. Napabitaw ako at nahihiyang ngumiti kina Mama na napairap pa no'ng una pero kalaunan kinamusta na rin nito si Uncle Sebastian. "Stop calling him Uncle, Berry." Saway ni Papa. Tawang-tawa na naman si Uncle Sebastian... or Sebastian? Siguro dapat sanayan ko na rin ang sariling wag siyang tawaging 'Uncle'. Mapagkakakamalan talaga kaming magTito kapag ipinagpatuloy ko 'to. Nangingiti na lang ako minsan kapag dalang-dala silang lahat sa pinag-uusapan. Tanggap na tanggap siya sa pamilya ko. Sig
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


