10

2001 Words
Buong weekend na parang wala naman akong ginawang kabuluhan. Madalas nakatunganga ako't pinapanood sina Papa na naglilinis ng mga sasakyan. Since nasa bahay lang naman ako, madalas oversize na damit at shorts lang ang sout ko. Na hindi naman pinupuna ni Mama. I think she's just so busy. Madalas nga ay tambay ako sa bakuran namin. Pinapanood ko lang ang mga bagay-bagay. Tinatamad din akong lumabas. Lalo na at sa Tuesday na ang alis ni Nathan. Panay din ang pag-aaya ni Alexis, gusto nitong pumunta ako sa bahay nila kahit alam niya ng cool off kami ng Kuya niya. Meron man lang sanang konsiderasyon... alam niya na nga pero nanunukso pa rin. "O? Bakit tahimik ang bunso?" Akbay sa akin ni Kuya Adam. Nagpapahinga na silang tatlo. Napansin nga rin yata ni Papa ang tanong ni Kuya Adam kaya pati siya ay napatanong na rin. Napalunok tuloy ako at nagsinungaling na, "Bored lang..." kahit na ang totoo ay tumatakbo na sa kung saan itong isipan ko. Alangan namang sabihin ko na iyong 'cool off' boyfriend ko ay aalis na sa Martes? E di sinabon na ako ng mga 'to. At mapapagalitan pa ni Mama. "O, sakto... may golf course kami ng mga Kuya ko mamayang hapon. Gusto mong sumama?" Suhestyon kaagad ni Papa. Napangiti tuloy ako't tumango. Alas onse pa lang ng umaga pero nakahanda na ang lahat. Kahit si Mama wala ring nagawa kundi hayaan kaming umalis. Siksikan kami sa sasakyan ni Papa. Ang ingay nga talaga ng mga Kuya ko. Parang mas maingay pa sa babae. Samantalang ako itong babae pero ako pa ang tahimik. Nakikitawa rin naman ako. Pero madalas talagang tahimik. "Tuturuan niyo ako?" Namamanghang baling ko sa kanilang apat. Hindi ako makapaniwalang sa tagal naming nagpabalik-balik dito e ngayon lang nila naisipang turuan ako. Gayong ang dadamot ng mga 'to. "Berry, you don't have to bent like that. Ano iyan, softball?" Sumama ang pagkakatitig ko kay Kuya Adam na nakatanggap batok mula kay Kuya George. Why I prefer Kuya George. Wala talagang kwenta 'tong si Kuya Adam. Ilang oras pa'y sumakto na rin ang hampas na ginagawa ko. Ngising-ngisi si Papa habang nakasunod sa ginagawa kong pagpalo. He looks so proud lalo na at nando'n din ang mga kaibigan niyang parang nag-aanticipate na rin sa mangyayari. "Yes!" Tuwang-tuwa si Kuya George. Napatalon din ako sa tuwa pero agad ding natigilan nang mula sa ilang metrong layo ay nakita ko si Uncle Sebastian. In full gear, puting pants, puting polo shirt at puting sombrero. All dashing in his white costume. Pero nakakapang-insulto lang na makitang may iba siyang babaeng kasama... na tulad din yata ang physique sa naunang babaeng nakita ko sa restaurant na yon. Maybe, he likes slender women huh? Malandi lang kamo... "Meryenda!" Napatalon ako sa gulat at naputol ang pagtitig ko roon sa lalaking yon. Bumalik kami sa silungan at doon inenjoy ang hinandang meryenda. Mas madami yata ang nasa field ngayon. Halos mga banyaga... at hindi na rin iba si Uncle Sebastian na nakikipagtawanan sa mga kasama nitong naggo-golf course rin. Parang hitad na nakadikit sa kanya ang babaeng yon. In some angles, para siyang sikat na model. Hindi ko lang maalala kung saan ko nakita pero parang pamilyar. "That's Sebastian Angelo, matinik sa chics..." biglang sabat ng isang kaibigan ni Papa. Muntik na akong nabulunan. Kilala niya? O kilala nga yata talaga si Uncle Sebastian... hindi ko lang siguro napapansin. Pero sa pagkakaalam ko may mga negosyo na nga ito mula sa pagkakapundar at trabaho sa New Zealand. "Mukha nga... bata pa e kaya mainit ang dugo tulad nitong mga lalaki ko..." ngisi ni Papa. Tahimik ko namang pinakikinggan ang pinag-uusapan. Ang pinagtataka ko lang kung bakit parang hindi siya namumukhaan ng mga kapatid at Tatay ko. Nakalimutan na ba nila ang pagpunta no'ng tatlo sa bahay namin noon? Paano yong birthday ni Alexis? Nakalimutan na kaagad? Gayong hindi naman mahirap kalimutan ang ganyang klasing mukha. "Pa," tawag ni Kuya George... nilingon ko siya nang nakakunot noo. Nakakunot din nga siya. At ang tanong ko kanina ay napalitan ng sagot. "Oo nga pala... naalala ko na." Sabi pa ni Kuya Adam. "Oo, bakit nga ba hindi na iyan napadaan sa bahay, Berry?" Muntik na akong nabulunan, mabuti na lang reflexes ko iyong kumilos kaya kahit papa'no hindi naman siguro halatang kinabahan ako sa biglang tanong na yon. "Busy yata Pa..." iling ko. "Magkakilala iyang bunso mo at yang si Sebastian?" Nagtatakang baling ng isang kaibigan ni Papa. Nagmamayabang na naman ang ngisi ni Papa. Alam ko iyan, siguro proud na namang nalaman niyang mas nakakaangat siya sa tatlong kaibigan. "Uncle ho siya ng bestfriend ko..." ako na ang sumagot, para kasing hindi pa rin nakakahulma si Papa mula sa tanong ng kaibigan niya. "Aba'y, delikado ka hija!" Halakhak nito. Nanuyo ang lalamunan ko sa kaba... sina Papa nga ay nakatitigan ko na biglang umiba ang templa ng mga mukha. Gano'n din sina Kuya na natigilan. "Gago iyan e! Mahilig sa babae... kahit sino na lang." segunda pa ng isa. Tuluyan na akong nilamon ng nerbyos. Oo nga... obvious na mahilig ito sa babae. Alam ko na yon. Nakita ko mismo. Pero ang marinig mula mismo sa bibig ng ibang tao? Para akong nanghihina, kahit ba alam ko na lahat ng nangyari sa kasaysayan ay pawang init lang mula sa katawan. Humalakhak si Papa, alam ko iyan. Maglilitanya yan panigurado mamaya pagkauwi. Magagalit. Siguro. Pero ewan ko... "Matalino 'tong anak ko, she won't fall for someone so shallow." Ngumisi lamang ang mga kaibigan niya. Hindi kumbinsido. Ako nga ay hindi rin kumbinsido sa narinig. Kasi Papa, I fell to his bait. Papa... kung alam niyo lang po. Pero hindi ko pwedeng sabihin yon. Magkakagulo. Lalo na't hindi lang halik ang nangyari. It was more than of what they can imagine. Ang saya pa ng usapan, kahit na para akong natuklaw ng ahas. Nang umalis nga ang tatlo ay kita kong nakakunot ang noo ni Papa. Galit. At mukhang anytime pwedeng sumabog. "Pa, kumalma nga kayo!" Tawang-tawa si Kuya Adam. Si Kuya AJ ay nakangisi. Si Kuya George lang itong nakatitig sa field at pinapanood pa rin si Uncle Sebastian. "Mga gago e! Ginawa ba namang biro itong nag-iisang babaeng anak ko? Akala mo nakakatuwa." Galit pa ring sabi ni Papa. Namamawis tuloy ako. Napalunok pa. At hindi na nakipagtawanan sa mga kapatid kong natatawa na lang. "Berry, kapag nilandi ka niyan. Umiwas ka ah? Halatang sanay magpaikot ng babae." Sabi ni Kuya George. Seryoso. Tuluyan na akong nanigas sa takot. Paano ba? Obvious nga. Ano yan? Masarap bang maayusan ng tikas na buhok patungo sa tenga ng isang Sebastian? Parang mamamatay kasi sa kilig ang babaeng kasama niya. Napairap naman ako. Na ikinangisi ni Kuya George. Akala niya yata siya ang iniiripan ko "Mukhang okay naman siya, successful. Sigurado ang future. Pero sa nakikita ko, he will be never enough for you, Berry. Kaya umiwas ka kung maaari." Dagdag ni Papa na ikinaguho ang takot ko. Oo takot akong malaman nina Papa ang nangyari. Kaya... iiwas ako. Kung maaari. Magulo si Uncle Sebastian. Sa dami ng mga babae niyan. Sino kaya sa mga yon ang seryoso niyang pinahahalagahan? Kaya imposibleng may espesyal sa'min kung puro init lang naman ng katawan ang pinairal. Mabuti na lang kahit ilang metro lang ang layo namin ay hindi niya ako napansin. Siguro ganoon, hindi siya lumilingon sa iba kapag may kasama siyang babae. Ganoon siguro ang motto niya, para lang masabihan na may pagpapahalaga siya sa relasyon niya sa mga babae niya. Ang galing nga e... tuso. Kaya nang umuwi kami ay agad ko na namang b'nlock ang number niya. Seryoso ako na iiwas. Dapat lang naman talaga. Malaki pa ang pangarap ko. Malawak din ang oportunidad na naghihintay sa akin. Kaya, sisirain ko lang ba dahil sa hinahanap ko? Pwede ko pang gawan ng paraan iyan... pero ang masira ang buhay ko dahil lang sa libog niya? Wag na kamo... iiwas ako, kung maaari. "O? Hindi ka makakasama? Nakapagsabi na ako kay Uncle Sebastian na isasama kita..." bahagyang nakataas kilay na sabi ni Alexis nang natapos ang lahat ng klasi. Hilaw na ngiti ang binigay ko sa kanya at dinahilan si Nathan. Kahit ba alam ko na hindi naman talaga yon ang dahilan. Pwede naman akong hindi makipagkita kay Nathan pero mas pinili kong gawin yon... main reason— para umiwas kay Uncle Sebastian. "O? Magkakabalikan na ba kayo?!" Ngisi niya, excited. Napailing na lang ako at sinukbit ang bag saka tumakbo paalis. Wala rin namang nagawa si Alexis kundi hayaan akong umalis. Kahit ba hindi naman ako excited na makita si Nathan. Cool off nga kami kaya dapat hindi ko ipakita sa kanya itong napakaaliwalas na pakiramdam. Dapat kaswal lang. "Salamat, Berry." Masayang bati ni Nathan at pinaghila pa ako ng upuan. Mukha siyang maaliwalas sa paningin ko. Mukha siyang excited. Hindi ko naman maintindihan kung bakit ang saya ko na makitang hindi siya apektado sa cool off namin. E gayong, binigla ko siya. "Anong oras ba ang alis mo bukas?" Tanong ko at sinabayan siya sa pag-inom ng milk tea. "Alas sais, e." Iling niya. Tumitig muna ako sa kanya bago tumango at nilapag ang inumin. Mabuti na sigurong kumalma muna kaming dalawa. Limang buwan daw o higit pa... sapat na panahon na yon para alalahanin ko ang pakiramdam na makontento. Walang pisikal, just pure love. O kung ano pa man... "Mag ingat ka..." paalala ko. Ngumiti lamang siya sa paalala ko at muling inumpisahan ang milk tea. Tumahimik kami ng ilang minuto. Walang nagsasalita. Sa maikling panahon na yon, napagtanto ko na sadyang malayo nga ang dalawa. Na hindi ko naman dapat kinukumpara. Dahil kahit na magkadugo silang dalawa ay magkaiba naman silang tao. "Thank you ulit Berry." Kinabukasan, ang gaan ng pakiramdam ko kaya maaga akong nakapasok. Nahalata rin ni Alexis na kakaiba nga ako ng araw na yon. Kaya nagdududa na naman siyang baka, "Nagkabalikan na ba kayo?" Na inirapan ko. Dahil hindi, walang gano'n. Magaan lang talaga ang pakiramdam ko. Bigla nga lang nangasim ang mood ko ng narinig mula mismo kay Alexis na sinusundo na naman kami ng Tito niya. Na pansin ko ay napapadalas ang pagsundo. Dahil umiiwas ako ay ginagawan ko na naman ulit ng dahilan. Dahilan na minsan ay kinakagat ni Alexis pero ng Byernes ay parang hindi na tumatalab. "Aba'y ano bang nangyayari sa'yo?" Kunot na kunot si Alexis habang hila-hila ako. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan kong pagtiisan lahat-lahat para lang makaiwas sa Uncle niya. Ay, oo nga pala... hindi tama, kahit ba cool off naman kami ni Nathan. "Uncle..." tawag ni Alexis sa Tito niyang naninigarilyo malayo sa sarili nitong sasakyan. Parang gusto ko namang tumakbo palayo habang paharap siya rito. Napansin ko rin na para siyang pagod. Siguro sa negosyo o kung anong bagay. Pero ang makitang napangiti siya't, parang kaduda-duda. "Get inside..." mabilis niyang inapakan ang sigarilyo at pumihit para makaalis na kaagad kami roon. Tahimik naman akong nakasunod. Nakayuko. Ayaw ko rin namang tumitig sa kung saan dahil baka mamaya niyan saan pa mapadpad 'tong mga mata ko. Umiiwas nga ako e... di naman ibig sabihin na dahil nasa iisang space lang kami ay hindi na ako makakaiwas. As long as I am not talking to him... umiiwas pa rin yan. "Restroom lang..." nagmamadaling turo ni Alexis. Napaangat ang mga mukha ko sa gulat. Bakit naman sa lahat ng pagkakataon? Ngayon pa? "Alex—" pilit ko siyang inaabot kaso tumatakbo na ito palayo. Ninerbyos na naman tuloy ako. Hindi naman ako kakakabahan ng ganito kung walang mabigat na dahilan. Napaatras ako't pinigilan ang dibdib niya. Paanong nakarinig lang ako ng tunog ng pagkakalas ng seatbelt e nandito na siya sa harap ko? Nakatuhod ang isa niyang tuhod sa gilid ng inupuuan ko at nakadukwang sa akin habang nasa magkabilang gilid ko iyong kamay niya. "Na-miss kita, Strawberry. Hindi ako makatulog." Bulong niya at ibinaba ang mukha para mariin akong mahalikan. Feel ko nga... ang pagkasabik niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD