“I’ve tried playing it cool, but when I’m looking at you
I can never be braved ‘cause you made my heart race
Shot me out of the sky you’re my kryptonite
You keep making me weak yeah frozen and can’t breath,”
Noong una walang reaksyon ang lahat. Pero habang tumatagal ang pagtugtog at pagkanta ni Jayden, nagtitilian at hiyawan na ang mga tao.
“Magaling naman pala siya eh, ang pogi pa!” narinig ni Clarie na komento ng babaeng katabi niya. Bigla naman siyang nadismaya dahil doon. “Woo! Jayden ang cute mo!”
“Get out, get out, get out of my head
I’m falling to my arms instead
I don’t, I don’t, don’t know what it is
But I need that one thing
And you’ve got that one thing.”
Ano ba naman ang nangyayari sa mga plano ko? Mukhang pati si Jayden nag-e-enjoy na sa ginagawa niya. Pati ang dalawa kong kasama todo kaway pa. At ang mga tao? Sobrang naagaw niya ang atensyon nila.
Pagkimkim ni Clarie sa sarili.
“More! More! More!” sigaw ng ilang mga babae sa harapan.
Hindi na kinanta pa ni Jayden ang second stanza ng One Thing pero sinimulan na naman nitong kaskasin ang gitara niya. Hindi alam ni Clarie na may gitara pala ito dahil ni minsan hindi naman niya nakitang gumamit iyon ng kahit anong instrumento.
Nagsigawan ang mga tao sa pangalawang tinutugtog nito ngayon. Kahit siya biglang nakuha ang atensyon at interesadong pinapanood na rin ang gitaristang nakasalang sa stage. Qing Fei De Yi, theme song ng Meteor Garden ang sinisimulan nitong tugtugin. Lumang kanta pero sobrang malapit sa puso ni Clarie. Sigurado siyang ganoon din ang nararamdaman ng mga manonood, hindi nila maitangging na-miss rin nila ang F4 kahit pa hindi naman maintindihan ang lyrics ng Taiwanese song na iyon. Maganda kasi ang melody kaya nabihag nito ang awit ng puso ng mga Pilipino.
“Noong una kang nakita, di akalaing ako’y hahanga
Ugali kong ito hindi nga papasa, para sa ‘yo pa rin ang aking kanta
Akala ko matitiis ko pero lalong nahuhulog sa’yo
Anong gagawin sa aking damdamin?
Tama bang ika’y dapat tapatin, ohh.. ”
May Tagalog version nga ang Taiwanese song na iyon, pero para kay Clarie iba ang lyrics na kinakanta nito. Ang weird. Pero ang mas lalong weird, sa kanya lang nakatuon ang mga mata ni Jayden. Sa kanya nga ba? O sa babaeng nasa likuran niya? Pero bakit hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya? Pakiramdam niya tumatagos sa puso ang kanta ni Jayden lalo’t sa direksyon niya lang ito nakatitig. Hindi niya mawari kung ang mga sarili ba nitong lyrics ang nakapagpa-confuse sa kanya or maybe his own capturing way of singing that song? In her mind, she knew there’s something wrong inside of her. She can’t explain why but his new-awesome-look come back is the only basis of her confused feelings and all.
“Ikaw na yata ang tinitibok ng puso kong dati’y litong-lito
Sa mukha mong aking nakikita, gabing ito’y sobrang nakakatuwa
Di ko alam saan tayo papunta pero ikaw ang nais makasama
Sa ngayon sana’y pakinggan mo itong awiting alay ko sa’yo.”
Natapos ang performance ni Jayden na may mga malulutong na palakpakan. Parang nagkaroon kaagad siya ng instant concert sa pagsali ng pangalan sa contest na ito.
“Salamat po!” sabi ni Jayden sa mga manunuod. “Alam ko po hindi pang-amateur contest ang ginawa ko. Isang pagkakamali lang na naisali ang pangalan ko dito. Isipin niyo na lang na isang intermission number lang ang tinugtog ko. At sana ay naaliw ko kayo. Salamat po ulit!”
“Okay lang! Pahingi naman ng cellphone number mo!” sigaw ng isang babae.
“Ang galing mo pinsan!” sigaw naman ni Goji.
Masayang tinapik si Jayden ng host, pero bago pa man siya makababa ng stage itinuro ng host ang isa sa mga judge. Sinundan ni Clarie ng tingin ang pagbaba ni Jayden at pumunta ito sa itinurong judge ng host. Nag-abutan sila ng kamay at nag-usap, maya-maya pa nag-abot ng parang isang card ang judge at tinanggap naman iyon ni Jayden.
Bigo si Clarie sa pagnanais niyang mapahiya si Jayden. Imbis na maging katawa-tawa ang itsura nito sa stage, naging para itong rock star sa paningin ng lahat ng tao sa plaza. Wala siyang mapintas kahit gusto niyang kontrahin ang lahat ng papuri ni Clover at Goji dito. Walang dudang magaling itong tumugtog ng gitara at mayroon ding magandang boses. Ngayon niya naisip ang pagkakamali niya, hindi niya nalamang talented pala ito. Malay niya ba baka nga kasali pa ito sa banda doon sa lugar nito.
“May isa yatang hindi natutuwa sa performance mo ‘insan,” nakangising sabi ni Goji nang mapansin niyang hindi maipinta ang mukha ni Clarie. Dahil sa kapalpakan din ng plano ni Clarie wala siyang ibang masisi kundi ang sarili lang din niya.
“Okay lang kung hindi siya matuwa. Nag-enjoy naman ako sa trip niyang ‘to! Thank you, Clareng!” sabay pisil ni Jayden sa magkabilang pisngi ni Clarie. Hindi naman kaagad nakapalag si Clarie dahil hindi niya inaasahan ang movement na iyon ni Jayden. Pinaghahampas naman niya ang kamay nito maialis lang ang pagkukurot sa mukha niya. “Ang cute mo kasi! Ang cute ng mukha mo daig mo pa nalugi!”
“Ikaw palaka ka, lubayan mo nga ako at ang mukha ko!” panduduro na naman ni Clarie kay Jayden. Tawanan naman sina Clover at Goji sa sinabi ni Clarie.
“Frog ka pala ‘dude eh!” pang-aasar pa ni Clover.
“Sa lahat naman ng palaka siya ang pinaka-talented!” gatong pa ni Goji.
Natatawa naman si Clarie at iniirapan si Jayden. Ilang sandali pa ay sinabi na ang winner. Hindi naman nag-eexpect sila Jayden, Clover at Goji lalo na si Clarie na mananalo si Jayden pero ang kakaibang performance na ginawa nito ay sapat na dahil pakiramdam ni Jayden ay nagwagi na rin siya. Nagwagi siya sa plakdang plano ni Clarie.
“Oy babae,” biglang hawak ni Jayden sa braso ni Clarie nang naglakad na pauwi sina Clover at Goji habang nagtatawanan pa rin.
“Sinabi ng lubayan mo nga ako, hindi ka ba makaintindi?”
“Huwag kang poker face alam kong ikaw ang may pakana ng pagsali ng pangalan ko sa contest na ‘yun! Tinuturo-turo mo pa ako sa organizer, akala mo hindi kita nakita?” pambibisto ni Jayden. Hindi naman nakaiwas ng tingin si Clarie dahil ayaw niyang magpakita ng pagtanggap sa pagkakatalo sa kanya. “Tapos, ano ikaw pa nahulog sa sarili mong patibong? Ako pa? Ako pa ang isasabak mo sa tugtugan at kantahan, malulugi ka talaga! Hahaha”
“Tapos ka na ba sa kaka-dada? Alam mo naman na lahat eh, pwede mo na ba akong bitawan?” pagtataray naman niya.
“Bakit mo ba ginawa ‘yun? Bakit mo ako sinali sa contest?”
“Trip ko lang! Ano ba? Ikaw na nga itong ginawan ng pabor? Nagkaroon ka na nga ng mga fans, choosy ka pa?” pang-iinis pa rin ni Clarie habang winawasiwas ang braso para makawala sa pagkakahawak ni Jayden.
“Hindi naman, ikaw lang ang inaalala ko.”
“Bakit naman?”
Sa tanong ni Clarie na iyon, hinigpitan pa halos ni Jayden ang hawak sa kanya. Kahit may kapayatan si Jayden may lakas pa rin ito. Magrereklamo na sana si Clarie sa ginawang paghihigpit ni Jayden sa kanyang braso nang hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil bigla niyang naramdaman ang hininga ni Jayden sa kaliwang tainga niya. Magkahalong kiliti at kilabot ang hatid noon sa kanya.
“Ang sa akin lang, sana hindi mo pagsisihan ‘tong hinamon ‘mong ‘to para sa akin. Hindi mo alam kung anong pwede mong maramdaman kapag pinapanood mo ako. Ikaw rin, baka ma-fall ka sa’kin.”
“Ang yabang mo talaga!”
“I’m just telling you what is possible to happen on you. Kaya make sure not to look at me every time I perform, okay?” kampante lang na sabi ni Jayden nang binitawan na niya ang braso ni Clarie. Bago niya tuluyang iwanan si Clarie, kinindatan niya pa ito at matapos ay nagpaalam ng maunang umuwi.
Ang feeling masyado? May saltik na yata sa ulo kung anu-anong pinagsasabi.
Kahit nakapikit na ang mga mata niya sa kuwarto, ang pagtugtog pa rin ni Jayden ang nakikita niya sa kanyang isipan. Nahihiwagaan siya sa version ng Qing Fei De Yi nito. Hindi siya sigurado kung sa kanya ba talaga ito nakatingin habang kinakanta iyon. O ang nararamdaman lang niya ang talagang mahiwaga? At sa nakalipas ng mga araw, napagtanto niyang mas madalas ng si Jayden na ang umaagaw sa atensyon niya na dati si Raymond lang naman ang napapansin niya.
----------------------
Marami pong salamat sa patuloy na pagbabasa, kapatid. ? Ang iyong komento ay akin pong lubos na pahahalagahan.
Sana ay mabasa mo rin ang iba ko pang nobela:
Ikaw, Ang Pag-Ibig na Hinintay
A romance genre
Darker Veins
A gothic romance / fantasy genre
lovelats,
LZ