WELCOME TO THE BEACH! This is why Philippines, gaano man katagal, saan mang lupalop ng mundo makapunta, uuwi at uuwi ka pa rin sa Pinas. Philippines is truly home, the people, the warm sun and who could resist the blue waters and white sand and the boguinvellas? Napabukas ang van, lumabas ang pamilya ni Dianne, si Tinay, mama nito, at ilan pang malalapit na relatives na may bitbit na anak. Nasa likuran ang tatlo, si Jordan, Dianne at Rick, nakapagitna sa kaniya ang dalawang lalaki. Kanina ay gusto niyang umidlip at gusto ng lumanding ang ulo niya sa balikat ni Rick, pero pinigil niya ang sarili niya. Isa isa ng bitbitan ng mga pagkain patungo sa cottage. “Oh, its on me,” ani Jordan ng nasa entrance na sila at magbabayad na. “No, ako na,” ani Rick at inilab

