“ANO BANG PINAGSASABI MO?” she kinda laughed. Nagbibiro siguro itong si Luke. Pero nagulat siya ng bigla nitong gagapin ang palad niya na nakapatong sa lamesa ng coffee shop. “I’m serious, Dianne. I have a major crush on you when we were Highschool,” parang nasorpresa rin sa paglalapat ng palad nila ay binawi ni Luke ang kamay nito. “I’m sorry, I’m really sorry…” “It’s okay, Luke. Medyo gumagabi na rin, kelangan ko nang umuwi at itsek si Tinay. Masama ang pakiramdam niya kaya hindi ko na isinama,” usal niya. “You have a younger sister?” tanong nito. Napatango siya. “We need to go,” marahan niyang paliwanag. Pero ang totoo ay naging uncomfortable na siya. Mabait naman si Luke, but it was a little inappropriate to confess to her this time lalo’t alam nito na may asawa

