“NA-NAHIMATAY?” ulit ni Dianne. She tried to remember everything, pero wala siyang naalalang nahimatay siya. Ang naalala niya, kung paano siya nito sinuntok ng isang beses ng malakas sa loob ng kotse, matapos siya nitong guyurin mula sa gate. Matapos nitong lapastanganin siya at nakawan ng halik…matapos siya nitong mahigpit na higitin mula sa likod niya. Napansin ata ang biglang panginginig at pag-blanko ng mata niya ay tuluyan itong napalapit sa kaniya. “Calm down, Dianne,” marahan na hinagilap ni Luke ang bisig niya, pinaupo siya nito sa kama. “I’ll get you some food, dito ka lang habang mahina ka pa.” Pagka ay napalabas ito ng kuwarto. Gusto niya itong sundan, pero ano bang magagawa niya…kung susundan nya ito sa kusina ay baka iba na ang ibugbog at iduslak nito sa ka

