“ITO BA ang asawa mo, Epifania? Aba, mahusay kang pumili.” Natawa si Pippa sa sinabi ni Lola Faustina habang pinapasadahan nito ng tingin ang kabuuan ni Ike. Katatapos lang niyang ipakilala si Ike sa matanda. Pinatuloy na sila nito sa loob ng kubo. Simple lang ang kubo ngunit masinop at malinis. Pulos yari sa kawayan ang mga kagamitan. Kaagad inutusan ng matanda ang isa nitong apo na ipaghanda sila ng meryenda. Tumanggi sila ngunit ayaw siyang pakinggan ni Lola Faustina. Itatama sana ni Pippa ang maling akala ng matanda ngunit naunahan siya ni Ike. Mas tumamis at lumapad ngiti ng binata. “Opo, Lola, napakahusay pumili ni Epifania.” Pinandilatan ni Pippa si Ike, na kinindatan lang siya. “Bakit ngayon ka lang nagawi rito? Alam kong matagal ka nang nakauwi sa bahay ng lola mo. Ako’y medy

