NAGBALIK nang sumunod na araw si Sheryl dahil nakumbinsi ni Ike ang dalagita na labhan ang kanilang mga kurtina. Walang reklamo si Pippa dahil kailangan na talagang labhan ang mga kurtina. Punong-puno na ng alikabok ang mga iyon. Bago pa dumating si Sheryl ay naalis na ni Pippa ang mga kurtina sa holder at nailabas ang mga ipapalit doon. Plano niyang magpatulong kay Ike mamaya sa paglalagay ng mga iyon. Walang problema so far kay Sheryl. Tahimik lang ang dalagita. Hindi gaanong nagsasalita kung hindi tinatanong. Hindi gumagala sa loob ng bahay, sa may laundry area lang ito. Ilag pa rin ito sa kanya ngunit hindi na lang niya gaanong pinagtutuunan ng pansin. Magalang naman kasi si Sheryl kahit na ilag. May hinala si Pippa na nangangailangan talaga ang dalagitang ina upang magbalik pa sa ara

