Now playing: Game of questions Aerin POV It has been weeks since Billy left without saying any goodbye. At sa mga linggo na iyon ay wala na naman akong ibang ginawa kung hindi ang magmukmok sa loob ng mansyon. I really felt like unhappy without her by my side. Para bang unti-unti akong nadudurog. Hindi naman dapat hindi ba? Isa pa, hindi naman talaga niya ako gusto at ako lang ang paulit-ulit na ipinagsisiksikan ang sarili sa kanya. Kaya lang kasi, umasa ako na siya ang taong poprotekta sa akin bukod kay Lucas. Siya iyong tao na inasahan kong magtatanggol sa akin kahit na gaano pa kahirap at ka komplikado ang maging sitwasyon. She even gave her own life to save me that night. Iyong gabi na halos mamatay na kaming dalawa. 'Yong gabi na natamaan pa ito ng bala ng baril para lamang m

