"Bakit nandito si Mamu? Bakit hindi siya roon sa kwarto namin natulog?" "Hmm, napagod kasi siya, baby." "Bakit siya napagod? Hindi ba ay natulog lang naman kayo?" Katahimikan ang bumalot sa paligid, lalo na sa pagitan nina Reece at Renz na nag-uusap. Bahagya akong gumalaw at umikot para hanapin ang pinanggagalingan ng boses saka unti-unting nagmulat. Doon ko nabungaran na wala ako sa kwarto namin ni Reece, kung 'di ay narito ako sa kama ngayon ni Renz. Kumunot ang noo kong inaaninag ang dalawa, naroon sila sa dulo malapit sa walk-in closet ni Renz. Nakaupo si Reece sa isang single couch habang tinitingala nito si Renz sa ginagawa, na siyang inaayos ang kaniyang neck tie, nakabihis na ito ng business suit at mukhang handa nang pumasok sa trabaho. "Baka naglinis ng bahay..." Dinig kong

