Nang makalabas sa Myles Bachelor Pad ay muli kong nilingon ang building na iyon— 30th floor lang ang mayroon sa loob pero since sa isang unit ay may dalawang palapag kaya naging times two ang laki nito. Hindi nakakapagtakang purong mayayaman din ang nakakasalamuha at nagiging kaibigan ni Third. Samantalang ako ay walang maituring na kaibigan, paano at sa kaniya lang talaga umikot ang mundo ko noon. Isa marahil sa dahilan kung bakit ayaw din ako kaibiganin ng iba ay dahil sa estado ng buhay namin ni Lola Sireng, isang normal na mamamayang walang pang-ambag sa contributions ng bawat baranggay. "Kay Myles pala iyang pad na tinutuluyan mo, ano?" wala sa sariling sambit ko habang namamangha pa ring nakatitig doon. "Oo..." maikling sagot niya dahilan para lingunin ko ito. Nakatutok ang dalaw

