Chapter 05 – A Kiss She Won't Forget

1638 Words
Chantal’s POV Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Tama ba ang nakikita ko, he’s really naked? Pero bakit siya tayong-tayo sa ganitong oras, kitang-kita talaga na parang tinuturo ako. “Fvck, don’t look at it nga!” sigaw niya sabay hanap ng paraan para matakpan ang alaga niya. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Hindi ko alam kung iiwas ba ako ng tingin o papasok ako sa loob ng kumot niya para magtago. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa sa mga oras na iyon dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko. Agad siyang kumuha ng damit niya para magsuot. Napakamot na lang ako sa aking ulo at naghahanap ng paraan para hindi maging awkward ang buong pangyayari sa araw na ito. “Sino ba kasing nagsabi na pumasok ka dito?” tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya, ngayon ay nakasuot na siya ng white t-shirt at ng boxer shorts. Pero kahit ano namang suot niya ganon pa rin naman nakatayo pa rin naman yung batuta niya. “Hey, miss up there, wala diyan yung mata ko.” diin na sabi niya. Napalunok naman ako at napaiwas ng tingin sa kaniya. “Sorry po… hindi ko naman kasi alam na wala kayong damit at pangbaba kapag natutulog.” wika ko sa kaniya. “That’s none of your business ano ba kasing ginagawa mo rito. Hindi ba nasabi sa ‘yo ng kasambahay dito na bawal pumasok sa kuwarto ko?” Napatingin naman ako sa kaniya dahil naalala ko ulit ang ginawa nung kasambahay sa akin. “Sir, hindi ko rin naman alam sinabi nga niya sa akin, pero ang sabi niya kasi gisingin ko po raw kayo kasi tulog mantika kayo…” wika ko sa kaniya. Bigla namang nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko. “Ako tulog mantika?” dama ko ang galit niya sa mga salitang iyon, kaya agad akong tumayo sa kaniyang higaan at ngumiti sa kaniya. “Which is akala… mali nga sir, hindi ka nga tulog matika. Pati yung batuta mo hindi rin tulog eh…” nahihiyang sabi ko. “Lumabas ka na nga, bwisit… I feel like I was sexualize.” nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. “Sexualize? Nako sir hindi ko talaga kayo sine-sexualize. Oo malaki yung batuta ninyo, tumusok pa nga sa tiyan ko, pero hindi ko po talaga kayo sine-sexualize. At tsaka huwag rin po kayo mahiya sir, malaki naman iyan eh.” “Enough!” sigaw niya. Napalunok naman ako at napatigil sandali dahil sa sinabi niya. “Hindi ko hinihingi yung opinion mo kung malaki o hindi yung—fvck…” mura na lang niya. “Pwede ba, lumabas ka muna.” Napahinga naman ako nang malalim sabay napatango-tango. “Okay sir, lalabas na po.” agad akong tumakbo palabas ng kuwarto niya. Hindi ko na inisip pa kung ano ang mga naiwan ko. Medjo takot na ako dahil sa lalim ng boses niya at lalong lalo na sa galit niyang kargada sa baba niya. Hindi ko naman alam na meron pa lang sariling baril itong lalaking ito. Pagpihit ko ng doorknob, ganon na naman siya hindi ko na naman mabuksan. “Huhu paano ba kasi buksan ito,” bulong ko sa sarili ko. Ang tagal-tagal kong fini-figure out kung paano buksan iyon para makalabas na ako. “Akin na nga,” rinig kong sabi niya sa likod ko. Hindi ko siya pinapansin sa halip ay napatuwad ako para silipin kung meron bang password ang doorknob niya or meron kailangan pindutin. Pero nagulat ako sa pagtuwad ko ay may naramdaman ako sa pwet ko na matigas na tumusok. “OMG!” sigaw ko. Agad akong napatayo at napatingin sa likod ko at nakita ko doon si sir Dark na nakatayo sa likuran ko. Dahil sa biglang pag-ikot ko, na-out of balance ako at dahil sa takot ko ay kumapit ako sa mismong damit niya dahilan para mapahatak ko siya papalapit sa akin. Napapikit na lang ako dahil tinanggap ko na ang sakit na mararamdaman ko. Pero imbis na sakit ang maramdaman ko ay iba ang naramdaman ko. Dahil doon ko naramdaman ang malambot niyang labi na siyang dumikit sa labi ko. Sa likod naman ay andoon ang kamay niya na hinarang niya sa ulo ko para hindi ako mauntog. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa mga oras na iyon ay hinahalikan ko na si sir Dark. Agad ko siyang tinulak palayo sa akin, pero nagulat na lang ako ng biglang may malakas na tumulak ng pintuan dahilan para matumba kaming dalawa ni Sir. Ngayon ang pwesto naming dalawa ay nakapaibabaw ako sa kaniya habang ang mukha ko ay nasalo ng malaki niyang dibdib at ang hita ko naman ay dumidiin sa kaniyang gitnang hita dahilan para mas maramdaman ko pa ang tigas ng kaniyang batuta. “Sir, ano pong—AAHHH!” sigaw ng kasambahay niya. Agad naman akong napatingin kay sir Dark at nakita ko na nakapikit siya at tila merong iniinda. “Sir, ayos lang po ba kayo?” nag-aalala kong tanong. Pero napapatingala na lang siya sabay hawak ng bewang ko. “Fvck, Chantal, stop pressing my d**k,” bulong niya sa akin. Agad akong napatingin sa ibabang parte namin at doon ko nakita na mas lalo kong pa lang naitutulak ang kaniyang b*rat. Agad akong napalunok sabay napatayo agad. Napahinga siya nang malalim at napatingin sa akin. “Sorry po, hindi ko po talaga sinasadya. Ito naman kasing si Ate eh!” sigaw ko doon sa kasambahay na pumasok. “Oh bakit ako, tinulungan na nga kita.” napairap naman ako sa kaniya sabay lumapit kay sir Dark at tinulungan siya tumayo. “Sorry po sir, ulit.” napalunok naman ako dahil sa kaba ko. Paano ba naman, ang daming nangyari sa araw na ito. Daig ko pa ang magjowang months na ang tagal sa dami kong na-explore kay sir Dark. Simula sa nakita kong galit niyang batuta, nung tumusok iyon sa tiyan ko, nahalikan pa ako lips to lips at talagang napiga pa ng tuhod ko. “Lumabas na nga kayo,” mahinahon niyang sabi. “Sorry po ulit.” agad akong tumingin sa kasambahay sabay hinatak siya palabas. “Halika nga dito ikaw talaga ang may kasalanan eh.” wika ko habang hawak ko ang kamay niya at hinatak siya palabas ng kuwarto ni sir Dark. “Ikaw talaga, ikaw yung may kasalanan. Ang sabi mo kanina matagal magising si sir, in short tulog mantika. Nung hahawakan ko pa lang nagising na agad eh!” sigaw ko sa kaniya. “Tapos hindi mo man lang ako ni-heads up-an na wala siyang damit matulog? Nakita ko yung overall!” pero imbis na matakot siya sa galit ko ay napangiti lang siya na para bang tuwang-tuwa sa ginagawa niya. “Ayaw mo no’n naka-jackpot ka.” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Ano’ng jackpot doon? Girl muntik na akong mamatay doon sa loob, hindi mo ba alam? Alam mo ba kung gaano kalala yung galit niya.” “Ano’ng galit?” napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. Gag* ba itong kasambahay na ito? Talagang iyon pa ang naisip niya. “Malamang siya! Yung salubong ng kilay niya dahil sa galit niya nung nakita niya ako sa loob, akala ko hindi ko na maabutan yung 13th month pay ko dahil sa ginawa mo!” Napahinga naman siya nang malalim sabay napa-krus ng braso. “Ikaw na nga pinapalapit kay sir Dark eh. Malay natin ikaw na pala ang magpabago sa ugali niyang iyan. At first time rin may babaeng dumalaw dito sa bahay niya maliban sa nanay niya kaya syempre akala ko perfect opportunity.” napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Walang babaeng nakapunta dito sa bahay ni sir Dark? Akala ko dito yung bagsakan niya ng mga babae. “Walang babae dinala si sir Dark dito? Hindi ba babaero iyon?” tanong ko sa kaniya. “T*nga judgemental? Paano mo naman nasabing babaero, aber?” tanong niya sa akin. “Halata sa mukha…” “Oh tignan mo ito, judgemental talaga, hindi ba pwedeng masama lang ang ugali muna, talagang babaero agad.” Bigla naman akong napatigil dahil sa sinabi niya. “O my gosh, baka naman bading siya?” tanong ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mata niya dahil sa sinabi ko. “Hoy laging nag-g-gym iyan, bakit mo naman nasabing bading?” tanong niya sa akin. “Eh kasi naman, kanina nung nakita ko yung alam mo na, takot na takot siyang ipakita sa akin. Tapos hinarangan agad niya. Eh hindi ba kapag mga ganon, dapat proud sila?” tanong ko sa kaniya. Napahawak naman siya sa bibig niya dahil sa sinabi ko. “Totoo ba?” “Oo nga, kasi base sa mga experiences ko before, talagang proud sila na ilabas, bakit siya hindi?” tanong ko sa kaniya. “Nako hindi ko alam, pero hindi eh, nag gy-gym siya. Nagpapalaki nga ng katawan.” “Mhh, marami na ngayong nag-g-gym lang kasi gustong makakita ng mga macho na lalaki.” Nagulat naman siya dahil sa sinabi ko. “O my gosh, hindi ko naisip iyon. Dalawang taon na akong nandito sa bahay niya at hindi ako nagtaka na wala siyang babaeng dinadala dito. Ang tanda na niya, pero wala pa rin siyang babae na pinapakilala sa mga magulang niya. Baka nga bakla siya?” “Olive!” sigaw sir Dark. “Nako tawag ako, sige dito ka muna pag-usapan natin iyan mamaya, okay?” agad naman siyang umalis at tumungo kay sir Dark. Napahinga naman ako nang malalim sabay napahawak sa aking noo. “Hindi pala babaero yung lalaking iyon? So don’t tell me? Virgin pa siya?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD