Chapter 11

1371 Words
Mabilis niyang napuno ang kahon ng kanyang pre - love materials kasama ang ilang pang gamit ng kanyang Kuya Achilles. Mayroong shirts, pants, stuff toys at maliliit na stuffed animals mula sa claw machine ng Kidstime. Nangako naman ang kanyang mga kaibigan na tutulong sa nasabing Fund Raising Project. Sa katunayan, katatawag lang sa kanya ni Bing na nasa sasakyan na nito ang mga kahon ng pre - love materials ng mga kaibigan. On the way na daw ang mga ito upang sunduin siya. Maya maya pa ay bumubusina na ang ang palaging nagmamadaling si Bing. "Andyan na! Heto na!" pandalas na ring sabi nya. Bitbit naman ni Mang Daniel ang kahon upang ilagay sa sasakyan ni Bing. "Hello po Tito Daniel!" "Good Morning sa inyo. Sya lumakad na kayo nang hindi kayo maipit sa traffic." bilin ng ama ni Athena. Mahigit kalahating oras bago sila nakarating sa unibersidad. Sinalubong naman agad sila nina Ezequiel at Ryan sa parking area upang buhatin ang mga kahon sa SSG Office. Irerecieve naman ito ni Faith habang pipicturan at ipopost isa - isa ni Teth sa online auction site na ginawa nito. "Wow, ang dami naman niyan Athena. Thanks girl.. Malaking tulong iyan sa ating Fund Raising." "Salamat sa inyo." nakangiting sabi ni Faith sa mga kaibigan nya. Sa pagbaling niya ay nakita niyang papasok si Martin sa SSG Office. Agad siyang bumati sa kaibigan. "Hello Pres!" Ibinaba lang ni Martin ang suot na salamin at bahagyang tumango lamang sa kanya. 'Menopausal na nga!' Sumunod namang bumati ang mga kasamahan niya. "Oh Hi girls! Hi Miles." nakangiting bati nito. Huh.. What was that? Unfair! "Ry, can you set the date kung kailan tayo pwede pumunta sa 3 prospect schools natin? Kung kailan ka available. Let's set it for 1 day para isang lakad na." sabi nito kay Ryan na kasalukuyang itinigil ang pagsosort ng donasyon. "How about on Friday para abutin man tayo ng hapon ay okay lang?" "So, Friday it is!" anito at tumingin sa direksiyon nila. " Thanks girls sa donasyon nyo. Guys, punta lang ako sa Dean's Office para mapapirmahan ang edited proposal natin." Sinundan niya ng tingin ang papaalis na si Martin. May kurot sa puso at lungkot na bumalot sa kalooban ni Athena. Ramdam niya ang pag iwas sa kanya ni Martin. Alam niyang may nagbago. At gagawa siya ng paraan upang maibalik ito sa dati. ****************************** 'Wait for me my Princess. I'm home. I'll be there later.' Dali - daling nag log out sa kanyang i********: account si Athena nang mabasa ang direct message sa kanya ni Enzo. 'What am I going to wear? Hindi tuloy nya maintindihan kung magpapalit pa ba siya ng damit o hayaan na lang na naka pajama na sya.'For Petes' sake Athena. He's your friend since birth. Pero siyempre iba na ngayon kumbaga sa french fries nag upgrade na sa large. Mas malaki ang value. Hays sa kabila ng pagtatalo sa kanyang isipan, napagdesisyunan na lang niya huwag na lang tutal sanay na naman ito sa kanya. Besides baka mahalata lang siyang nag effort masyado. Naroon na siya sa tabi ng bintana sa salas at panay ang silip nang dumating si Enzo. "Good evening po!" bati nito sa kanyang ina. "Oh Enzo, what brought you here?" anang kanyang inang tumigil sa ginagawa nitong visual aids upang salubungin ang binata. Humalik naman ang binata sa pisngi nito. "May ibibigay lang po sana ako saglit kay AJ." nangingiting wika ni Enzo sa kanyang ina. Siya namang pagbaba ni Achilles sa mula sa itaas sa silid nito. "O tol, gabing gabi na ah. Napadalaw ka?" bati nito sabay tingin sa kanya. Sumaludo naman ito sa kanyang Kuya Achilles. "Halos kadarating ko lang kasi galing Manila. I just dropped my things home at nagdiretso na ako dito." napakamot naman sa ulong sabi ni Enzo. 'He's so cute!' "Magkakape ako. Care for some coffee?" tanong naman ni Achilles. "Kami na kuya. Papunta na din kami sa kitchen." aniya sa kapatid. "Okay." Nang makapagtimpla ng kape ay dinala nila ito ni Enzo sa veranda. Inakupa nila ang coffee table doon. "What brought you here? I mean, at this hour and to think galing ka pa ng Manila." aniya sa gitna ng pag- inom ng kape. "Hindi ba puwedeng namiss kita, ganun?" nangingislap ang matang sabi ni Enzo. "Well, don't I deserve a hug?" ibinukas nito ang mga bisig na wari'y naghihintay ng yakap mula sa kanya. Tinawid niya ang pagitan nila at nagpasakop sa bisig ng binata. Hinalikan ng binata ang kanyang noo. Naramdaman niya ang pagngiti nito sa kanyang balat. Heaven! It feels right to be in his arms. *************************************** “The hardest part about walking away from someone is when you realize that no matter how slow you go, that someone will never run after you. - Bethany Megan I tried but I can't. - Martin 306 crying emojis, 10 thumbs down, 5 likes and 441 care emojis. 'Sa akin ka na lang' 'Ouch, bakit parang tagos sa puso?' 'Ako na lang kasi, nagpiprisinta na oh.' Nahawa na yata siya kay Miles. Hindi na natapos ni Athena ang pagbabasa ng comments sa i********: post ni Martin nang may biglang tumikhim sa kanyang likuran. Halos manlaki ang kanyang mata nang si Martin ang kanyang natunghayan. "Ah.. eh Martin kanina ka pa ba diyan?" nag aalalang tanong niya. Nakakahiya naman kung nakita siya nitong nagbabrowse sa post nito. Na curious lang naman kasi siya nang makita ang latest update nito. "Kadarating ko lang. Nakita ko kasing engrossed na engrossed ka sa binabasa mo so I had to get your attention." kibit balikat nito. "Can we talk?" Marahan siyang tumango. Actually yun naman talaga ang plano niya ang kausapin ito at kumustahin. "Sige. Doon na lang tayo sa Reading Nook. Medyo maingay dito eh." Isang malakas na buntunghininga ni Martin ang bumasag sa kanilang katahimikan sa Reading Nook. "I know I've been an asshole these past few days. Believe me, It's against my will to ignore you." parang nahihirapang paliwanag. Tumingin ito sa itaas at ipinikit ang mata bago muling tumungo. "But I have to.... to save myself from pain." Malakas ang kabog ng dibdib ni Athena sa mga naririnig mula kay Martin. "This I'm going to tell you para wala nang what ifs na pumasok sa isip ko. " anito habang hinihilot - hilot ang sentido. "I' ve been in love with you ever since I've met you. The day you accidentally left your wallet in the canteen.. I was the one who saw it. Buong gabi ko ding tinitigan ang larawan mo. To the point na ayaw ko na sanang isauli ang picture mo. But then I asked Gibson to surrender it to the Guidance Office..I don't know.. But from the moment I laid my eyes on you.. you already got a special spot in my heart. I know deep inside that it was you.. it will always be you." Gulat na gulat sa narinig na confession mula kay Martin. All the while buong akala niya ay kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Masyado ba siyang abala sa ibang bagay upang hindi mapansin ang nararamdaman para sa kanya ng binata? "Oh no.. no.. Don't feel upset. I know how you wanted everything to be okay. Everyone around you to be okay. I just wanted you to know how I feel for you. That's it. I'm not expecting you to reciprocate with my feelings. I'm fine.. I will be fine.. eventually" paninigurado nito sa kanya na okay lang ito bagamat kulang sa kumbiksyon ang pagkakasabi. Wari'y kinukumbinsi lang din nito ang sarili na okay sya.. kahit hindi. "I... I don't know what to.. say." ani Athena na nagugulimihanan pa rin sa narinig. "Promise me.. can you.. promise me that nothing will change? We're still friends?" inilahad ni Martin ang kanyang kamay. Inabot naman ito ni Athena. " Friends." Bahagyang napabitaw si Athena nang makaramdam siyang ng bahagyang kuryente sa hawak ni Martin. 'Sige Martin, see you later na lang. Baka magstart na kami." Dali daling paalam nya sa binata. Nanatili namang nakatanaw ang binata hanggang sa makapasok siya sa classroom nila. *********** PLEASE READ THE COMPLETE VERSION OF THE STORY IN g*******l. LOOK FOR MAUI AZUCENA. GOD BLESS!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD